Kabanata 3
GABI na at umiinom kami rito sa sala, kasi kapag sa tulay pa kami baka saraduhan kami ni Vivienne.
"Umakyat ka na muna Vivienne." pagtataboy ni Daniel. Tumaas ang isang kilay ni Vivienne na parang alam na agad ang ibig sabihin.
"Lasingin niyo siya para hindi niya mamalayan na meron ako rito at maibuhos niya ang nararamdaman niya." Umismid ang mukha ni Gerard sa sinabi ni Vivienne.
"Paano niya alam?" Tanong sa akin ng katabi kong si Pixie.
"Alam mo naman." sabay turo sa ulo ko.
"Pero kung ayaw niyo lang akong kasama, sige paalam." akmang aalis na sana si Vivienne nang hilahin ni Gerard ang kamay niya.
"Stay." Madiin na sabi ni Gerard sa kanya.
"What the eff? Akala ko ba pinapaakyat niyo ako tapos ngayon you want me to stay?" Ito na. Nililito na kami ni Vivienne, talino talaga.
"Okay you can go." binitawan na siya ni Gerard at tinaboy. Umirap lang si Vivienne sa ere at umalis kasama ang libro niya.
"What the heck is wrong with her?" Tanong ni Stacy.
"Siguro hindi pa siya nakaka-recover sa panaginip niya." nagulat kami sa sinabi ni Azariah.
"Anong panaginip?" Tanong ni Gerard.
"Sabi niya nanaginip daw siya kagabi. Ang panaginip niya raw ay nasa tulay sila kasama ay isang lalaki na tumatawag sa kanya ng 'babe'." paninimula ni Azariah.
So it means siya ang babaeng nahulog sa tulay!
"Nakipaglaro daw si Vivienne sa lalaki na maglakad sa tuktok ng tulay at nang tignan niya daw ang lalaki nagulat siya dahil nakita niya si Theodore na maraming dugo sa damit, na may malapad na ngisi at may hawak na kutsilyo dahilan para matakot, madulas at mahulog siya. Doon na siya nagising." Nagulat ako sa sinabi ni Azariah. Magkasintahan kami? So it means karibal kami ni Gerard sa panaginip na iyon?
Tinignan ako ni Gerard ng nagmamakaawa.
"Don't worry bro, hindi ko aagawin sayo si Vivienne. Sayong-sayo na siya." pagpapalakas ng loob kay Gerard. Nginitian niya lang ako ng matamis at uminom na naman ng alak.
Ang hindi lang ako naniwala ay killer ako nung oras na iyon. Pero bakit ang labo ng mukha ni Vivienne nung oras na iyon?
Never mind.
Its just a dream.
Gerard Faeriffer POV
Sa totoo lang kahit panaginip man iyon ni Vivienne, nagseselos ako. Oo, dahil mahal ko siya.
Pero bakit kaya si Theodore pa? Kung pwede namang ako? At bakit killer si Theodore nung mga oras na 'yon?
Andaming tanong sa isipan ko na walang makakasagot...
Hay buhay!
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...