Kabanata 25
"Masaya na kayo?" Sarkastikong sabi ni Palm at tumingin kay Vivienne, "Malandi ka kahit kailan, meron na nga sila Gerard, Theodore at Elio tapos si Adrianne ang isusunod mo?!" Malakas na sigaw ni Palm sa kanya dahilan para makuha nila ang atensyon ng lahat. Hindi naman sumagot si Vivienne sa kanya dahil dumeretso siya sa napili niyang jetski.
"Tara na..." Anyaya sa akin ni Yanyan. Nakasakay na rin ang mga kalaban namin habang kami ni Yanyan ay naglalakad patungo sa sasakyan namin. Nang makarating na kami sa pupuntahan namin, nagsuot kami ng googles.
"Ikaw ang aangkas?" Tanong ko sa kanya ngunit tinignan niya lang ako ng blanko at sinenyasan na sumakay na ako. Siya ang nasa unahan, siya ang nagmamaneho.
"A-alam mo?" Kinakabahan na tanong ko at sumakay sa likod niya.
"Sasali ba ako kung hindi?" Mataray na sagot niya, bad mood siya.
"Ready..." Humawak ako sa balikat ni Vivienne pero sabi niya na nakikiliti raw siya kaya sa bewang niya ako humawak.
"Set..."
"Go..." Ang isang makapartner ng paaralan ng RS ang nangunguna, sumunod naman kami ni Vivienne at sila Yanyan. Si Palm ang nagmamaneho sa jetski nila. Hindi ko alam na magaling pala si Vivienne sa ganitong bagay, halos magkaparehas kami lagi ng hilig. Ang tanong hilig niya rin ba? Baka alam niya lang at hindi niya hilig.
"Ang layo naman ng isla na 'yon." Reklamo ng nasa harapan ko.
"Gusto mo, ako na ang magmaneho?"
"Mabilis ka ba?"
"Oo... Ako pa?"
"Sige, wait lang. Humabol ka." Binagalan niya ang pagpapatakbo dahilan para mabilis kaming magpalit ng posisyon. Ako na ngayon ang nagmamaneho at siya naman na ang nakakapit sa bewang ko. "Bilisan mo! Ang bagal!" Reklamo niya. Kaya binilisan ko ang takbo ko para wala siyang satsat, naramdaman ko naman na mahigpit na ang pagkakapit niya sa bewang ko.
"Bilisan mo! Nauuna na yung iba!" Pansin ko nga na nauuna na yung iba sa amin. Mas binilisan ko pa para maunahan namin sila, hindi naman ako nabigo dahil nangunguna na kami ni Vivienne.
"Nice, ipagpatuloy mo na't naboboring na ako. Gusto ko nang magpahinga." Anong klaseng manlalaro ka?
"Nagpapahinga ka na nga, just feel the water..."
"I can't."
"Why?"
"Because water can't feel me."
"Anong konek?"
"I mean—kung hindi ako pinapakiramdaman ng tubig, hindi ko rin sila papakiramdaman. Ganun ako kasamang tao kaya, 'wag ka nang lumapit sa akin." Anong masama doon? Kung sinabi niya ang totoo, hindi 'yon masama. Pero, bakit niya gustong lumayo ako? Siguro dahil sa sinabi ni Palm kanina sa kanya.
"Don't worry, Hindi kita lalayuan kahit sindikato ka man."
"Hindi mo ako kilala, Adrianne at hindi rin kita kilala." Nagulat ako sa sinabi niya, paano kaya kadaling magbitaw ng mga ganun na salita? Siya lang ang pinakamahirap kunin na babae na nakilala ko at siya rin ang babaeng kayang tiisin ang mga masasakit na salita.
"Ahh... Oo nga pala, hindi pa tayo lubusan na magkakilala." Naramdaman ko naman ang baba niya sa kaliwang balikat ko dahilan para mas bilisan ko ang pagmamaneho.
Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga, "Wag kang mag-alala, nasasabi ko lang mga salitang 'to kasi... Kasi, nasasaktan ako."
"Why?"
"You don't need to asked it. Alam kong alam mo kung bakit ako nasasaktan," tama ang hinala ko, dahil kay Palm. Sino bang hindi masasaktan sa sasabihin niya, 'diba?
"Nandito na tayo." Bulong niya at tinapik ako sa balikat. Nakaabang na rin ang mga kaibigan namin, tinanggal na rin ni Vivienne ang ulo niya sa balikat ko.
"We won..." Bulong niya pa rin sa akin at bumaba ng jetski, at nilapit ang mukha niya sa tenga ko. "Ang bilis mo kasing magmaneho." Namula naman ang tenga ko sa binulong niya, piling ko may ibang kahulugan ang binibitawan niyang salita.
Stop, Adrianne. She's innocent.
Nagsipalakpakan naman ang mga kamag-aral namin at ang ibang mga matatanda na nakapunta rito.
"Woah, bravo... Sino yung nagmaneho?" Tanong ni Miss Bliss sa amin.
"Dalawa kami... Po," Napipilitan na paggalang ni Vivienne.
"Nice, tara na roon sa cottage nakahanda na ang kakainin doon. Kasabay natin ang galing sa ibang paaralan, kaya umayos kayo." Utos niya sa amin.
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
TerrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...