Kabanata 2

226 19 0
                                    

Kabanata 2

Pagkatapos kong magbihis, dumeretso na kami para magsugal sa sala. Malaki ang sala namin at saktong-sakto sa amin 'to.

"Bakit wala si Melody at Vivienne?" Tanong ko sa mga kaharap ko. Ang aga palang, ah?

"Si Melody natutulog na and si Vivienne nagbabasa." Tugon ni Stacy na ikinatango ko lang at tinignan na muli ng maigi ang braha.

"Okay."

~~

Kinabukasan, pumasok na kami gamit ang puti namin'g van. Yes, sa amin. Nag-contribution uli kami riyan pero sari-sarili sa lisensya. Ang nagmaneho ngayon ay si Melody na maganda ang gising. Hindi ko alam kung bakit.

"Good morning, Sir!" Bati namin sa kapapasok na guro na hindi manlang ngumiti pabalik sa amin.

"Good morning!" He is our Mapeh teacher. Ang pinagkakataka ko lang is bakit siya nandito? Mamayang last period pa naman namin siya, ah?

"I am here because I want to remind to you na mag-cacamping ang lahat. Yung gustong sumali ay mag bayad sa treasurer niyo ng 500 pesos."

"Kailan sir?" Tanong ng President namin na nagngangalang 'Elio'. Balita ko nga'y may gusto siya kay Lexi, ewan ko ba kung tsismis lang o hindi.

"Lunes pa," tugon nito.

"Ilan days tayo, sir?" Tanong naman ng Treasurer namin na nagngangalang 'Lumi', babae siya.

"5 days,"

"Sir, kailangan ba na kasali ang lahat?" Tanong ni Azariah habang nakatingin ng deretso kay sir.

"Kung may excuses na importante, pwedeng hindi siya sumali."

"Located?" Tanong ni Stacy

"At Perta Island," nang marinig ko iyon bigla akong namangha. Hindi lang ako, pati ang lahat ng estudyante dito sa silid-aralan.

"Sali tayo," bulong ni Gerard sa aming magbabarkada. Nakaround kasi ang upuan namin eh, kasi wala pang guro kanina.

"Sige!" Pagsang-ayon naming lahat.

"Sir, kailan ang deadline?" Tanong ng Muse namin na nagngangalang 'Bee'. Weirdo ang name ng iba rito, malay ko ba sa kanila.

"Sa biyernes, marami pa akong sasabihan na section. Mauna na ako, goodbye, class!"

"Bye, Sir!" Nang makaalis na si sir, may pumuntang estudyante rito para tawagin ang Sekretarya namin.

"Sabihan mo kami Vivienne kung ano ang sasabihin nila ah?" Sabi ni Azariah kay Vivienne.

"Oo," pagkatapos yun umalis na rin ang sekretarya namin na si Vivienne.

"Bakit kaya pinatawag ang mga secretary ng bawat room?"  Nagtatakang tanong ni Pixie.

"Siguro may sasabihin lang, huwag kang kabahan." sabi ni Julian.

"Sasali kayong lahat?" Tanong sa aming lahat ni Lexi.

"Oo, kahit na madaming lamok. This time kakayanin ko." maarteng sinabi ni Melody.

"Asa ka pang titikman ka nila," napairap na lang si Melody sa sinabi ni Daniel.

"Pero yung seryoso, sasali kayo?" Tanong ulit ni Lexi.

"Oo, bakit?" Tanong ko.

"Kapag may maiwan na isa, magpapaiwan na rin ako. May memories kasi ako sa isla na iyon." sabi ni Lexi.

"Ex?" Tanong ni Azariah dahilan para tumango si Lexi.

"Kaya naman pala eh." bulong ni Julian na narinig ko. Ako lang ata nakarinig kasi ako lang ang katabi niya.

MAYA-MAYA, nakarating na rin si Vivienne.

"Ano sabi?" Tanong ni Azariah pero nilagpasan lang kami ni Vivienne.

"Ay!" naaasar na sabi ni Melody dahilan para magalit kami.

"Dumeretso lang siya sa President." sabi ni Gerard sa amin.

Hindi nagtagal bumalik na rin si Vivienne sa pwesto namin.

"Anong sabi?" Tanong ni Gerard.

"Ilista ko raw ang sasali at ia-announce na wala guro na magtuturo sa atin hanggang biyernes dahil sa magaganap na camping kaya dumito muna tayo basta walang mag-iingay." Aniya

"Eh bakit dumeretso ka sa President? Bakit ka dumeretso kay Elio? Gusto mo ba siya? At siya pa ang una mong sinabihan?" Sunod-sunod na tanong ni Azariah.

"Actually, ayaw ko sumigaw kaya ako dumeretso sa president natin. Makikinig naman ang iba kay Elio dahil siya ang presidente ng section na ito." Pag-e-explain niya at tsaka kinuha niya ang libro niya.

Pansin ko na nakakuyom ang isang palad ni Gerard, hindi na ako magtataka kung bakit ito nakakuyom dahil alam kong may gusto siya kay Vivienne.

"Inom tayo mamaya," sabi ni Gerard sa amin.

"Anong problema Gerard?" Tanong ni Azariah. May problema kasi ang isa sa amin kapag nag anyaya itong uminom.

"Excuse," sabi ni Vivienne sa amin at umalis. Dumeretso siya kay Elio at kinausap ito bago lumabas.

"Tell us your problem Gerard." sabi ni Melody.

"I'm just jealous," pagprapranka niya.

"To whom?" Tanong naman ni Pixie.

"Sa kanya at kay Elio," mahinang usal niya at tinuro si Vivienne.

"Don't worry, lagi ka naman niyang kasama." Sabi ni Stacy sabay tingin sa akin. WTF? Problema neto?

"I know,"

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon