Kabanata 36
"Mmm..." Kunwaring nag-iisip pa, "ang naaalala ko kahapon is, uminom kami ng mga kaibigan ko tapos... Ano pa ang nangyari?" Kunwaring tanong ni Vivienne kay Daniel na nagkibit balikat lang.
"Watch this," may inabot si mister Jackson na kamera, dahil katabi ko si Vivienne, mapapanood ko ang inabot ni mr. Jackson.
Yung pinagagagawa niya kahapon."OMG!" Kunwaring nagulat pa si Vivienne, best actress talaga 'tong kaibigan ko! "I did this?" Tanong niya sa mga katabi niya, kasali na ako roon.
"Yep..." Tatango-tango kaming nandoon.
Bumalik na sa pagiging cold si Vivienne at binalik ang kamera.
"So? Anong masasabi mo?" Sarkastikong tanong ng kapatid niya na si Haelynn, kaya pala ayaw ni Vivienne sa babaeng 'to, walang ginagawa.
"Oh, my dear cousin..."
"Alam na nilang magkakapatid tayo, ikaw din ang nagsabi. 'Wag mong ibahin ang usapan, anong masasabi mo?"
"Nothing," nagulat ang lahat sa sinabi ni Vivienne. "Buti nga nalasing ako kagabi, nasabi ko ang lahat ng sama sa loob ko." Mas lalong nagulat ang lahat sa sagot ni Vivienne, "ano ba ang iba nating pag-uusapan? Maliban diyan?" Turo niya sa kamera dahilan para matauhan ang lahat.
"Mmm... Actually, bukas na madaling araw, nandoon na tayo sa isla ni mr. Zedekiah Bonheur." Sabat ni miss Bliss dahilan para mapatili ang lahat.
"Sa ngayon, magpahinga muna ang lahat dahil madami-dami tayong gagawin bukas." Kaya 'yon, nagsi-alisan na kaming magbabarkada, as in kami lang. Dahil kumain na kami kanina sa silid namin.
"Anong plano mo, Vivienne?" Hindi ko maiwasang magtanong.
"Plano? Para saan?" Nagmamaang-maangan pa.
"Hindi malabong meron ang pamilya mo sa isla na 'yon. Alam kong namomoblema ka, nandito lang kami, Vivienne. Hindi ka namin papabayaan." Nakangiting usal ko.
"Salamat,"
Vivienne Bonheur POV
Pilit na ngiti akong naglalakad papunta sa tuktok ng barko, kung saan pinicturan ako ni Daniel. Nagpakuha ako ng beach bed at payong, papanoorin ko ang sunset mamaya, habang maaga pa, nagbabasa palang ako kaya hindi ako mabobored.
"Ehem..." Nagulat ako sa biglang nag'ehem'.
"Oh, Adrianne. Naparito ka?" Napansin ko na meron na rin siyang beach bed at nakahiga na rin siya.
"Kanina pa ako nandito, ngayon mo lang ako napansin?" Nakangisi siya habang sinasabi niya 'yon.
"Ah-eh, pasensya na..." Napapahiya kong sabi. Napansin ko rin na malapit na mag-sunset.
"Sabi ng mga kaibigan mo, magpaparty daw tayo mamaya sa swimming pool. Totoo ba?"
"Oo, tsaka tayo lang. Walang iba."
"Kung ganun, panoorin muna natin 'tong sunset tapos sumunod tayo sa kanila." Of course, pumayag ako.
NANG matapos na magsunset, papunta na sana kami pero nakita ko si Daniel na kumukuha ng letrato at may upuan na rin siya.
"Woah... Hahaha, kanina ka pa riyan?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, sabay kami ni Adrianne pumunta dito."
"Oh, sorry sa paghintay. Hindi ko alam na meron ka riyan." Pilit na ngiting usal ko sa kanya, "tara na..."
NAGPALIT ako ng bikini dahil mag-swi-swimming kami, don't worry may parang roba? IDK what's this, ngayon ko lang sinuot kasi pinilit ako ni Azariah at Daniel. Parang roba na manipis, let say nakatago nalang ang bikini ko. Hays, ano ba naman ito? First time ko kasing magsuot nito. Hindi kasi ako mahilig mag-bikini. Eww...
Nandito na kami ngayon sa swimming pool area, kitang-kita ang liwanag ng buwan. Like what the eff?!
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...