Kabanata 45

68 6 0
                                    

Kabanata 45

Nandito na kami sa tuktok, tatalon nalang yung mga representative, pero... Walang napipili, kahit sabihin ng mga guest na sila ang makakakuha ng higher scores, wala pa rin may gustong tumalon. Paano naman kasi? Ang taas-taas mula rito hanggang sa baba.

"Ako nalang," walang galang na sabi ko, dahilan para mapunta ang atesyon sa amin.

"What?" Tanong ni miss Dimple, the guest.

"Ako nalang." Ulit ko.

"K-kung ganun, may representative na tayo, let's welcome Vivienne Bonheur..." Malakas na sabi ni Mr. Jackson.

Nagsitabi ang mga estudyante sa dinadaanan ko. Bumwelo ako...

Kaya ko 'to, basta tatandaan ko ang mga tinuro ni lolo't lola, sila ang nagturo sa akin kasama si manong Jordan at si kuya.

Pinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga sinabi nila sa akin.

*Flashback*

"I-I can't do it..." Natatakakot na sabi ng batang Vivienne.

"You can do it, just focus and feel the water..." Sagot naman ng lola niya.

"B-but how?" Nagtatakang tanong ng batang Vivienne.

"If I we're you, just jump, and stop asking!  Stupid!" Hindi namalayan ng batang Vivienne na meron ang ate niya na babae na si Haelynn, tinignan lang ng batang Vivienne ang ate niya at nagpakitang gilas.

Bumwelo siya, "don't mind her, don't mind what she said, just feel the water and relax." Paalala ng lolo nila.

Huminga ng malalim si Vivienne at tumalon, akala ng karamihan nalunod na siya pero... Hindi nagtagal umahon din ito na may kasamang batang dolpin na nagngangalang 'Bristol'.

She did it.

*End of flashback*

Minulat ko ang mga mata ko at bumwelo...

Bumwelo...

Bumwelo....

Malayo na ang bwinelohan ko kaya naman, ready na ako.

Tumakbo...

Tumakbo...

'Just feel the water and relax..'

At... Tumalon ako...

*Boooggssshhhh!*

And I did it!

Nakita ko rito sa ilalim ng dagat si Bristol at ang kanyang pamilya, woah... So, dito sila nakatira? Kaya ba hindi mahanap nila kuya?!

Hinawakan ko sila, hindi pa ako umaahon sa ilalim ng dagat mula nung tumalon ako. Kaya naman umangat na ako sa tubig para makahinga, kasama ang mga alaga kong dolpin.

"SHE DID IT!!!" Pasigaw na sabi ng lahat ng mga school mates ko, nagsisitili't napapasuntok sa ere. Like MUNTANGA!

Ako naman, masaya ako dahil for sure kami na ang mananalo OVERALL! Kasi nga mataas na puntos ang nakuha namin dahil tumalon ako.

WE SPEND time here, naglanggoy, at kung ano-ano pangginawa. In-announce na rin nila kung ano ang gaganapin mamayang gabi at bukas.

Guess what? Mamayang gabi, may paparty, ulit. Pero sa tabing dagat na, may stage na malaking kung saan may sikat na banda na pupunta. Hindi lang para sa amin na nag-camping yung party na 'yon. 'Kundi sa lahat ng nakatira rito sa isla na  'to and that will be a big party. Hindi mawawala ang inuman doon, syempre..

Bukas naman ay pahinga namin, pwede naman maggala basta, magpahinga dahil kinabukasan 'non, madami nanaman ang gagawin.

Nandito na ako sa kwarto at nagbibihis ng pang-party mamaya. I just wore, black ripped jeans, black long sleeve off-shoulder, sumbrero na pang-lalaki, black eye glasses, black sandal, black hand bag, at ang buhok ko ay nakalugay lang.

Nagulat ako dahil nag-ring ang selpon ko, sino 'to? Tinignan ko kung sino ang nag-text, it's Miller Zheng Company. Bakit kaya?

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon