Kabanata 30
Nagising nalang ako dahil sa lakas ng bunganga ni Daniel, PUTANGINA!!! Kulang na kulang ang tulog ko!
"Bakit ka ba sumisigaw, Daniel?!" Reklamo ko sa kanya nang makabangon na ako.
"Sabi ko, may taong naghahanap sa'yo..." Tinignan ko ang higaan ni Adrianne, nandoon siya natutulog, buti hindi siya naistorbo ni Daniel.
"Nasaan?" Inayos ko ang mukha ko at lumabas,
Bumungad naman sa akin si kuya."What are you doing here?" Walang emosyon na tanong ko.
"Here," may inabot siya sa akin na supot.
"What's that?" Nagtatakang tanong ko.
"Look..." Tinanggap ko naman ang supot at nagulat nalang ako nang makita ko ang isang susi, pero fake. At eroplanong laruan.
"What's this?" Tanong ko na hawak pa ang susi na peke at eroplanong laruan.
"Binilhan kita ng eroplano, alam ko kasi na gusto mong maging piloto..." Nakangiting usal niya at nagulat nalang ako nang makita ang mga kaibigan ko sa kitchen, nagluluto.
"What?!" Malakas na tanong ko.
"I bought you—"
"Nagsayang ka ng pera para sa akin?!" Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Yeah..." He nodded.
"Kuya, kilala mo naman ako! Ayaw ko nang ginagastusan ako! Pero... Bakit? Hindi ko 'yan tatanggapin..." Binalik ko ang supot sa mga palad niya, hindi nagtagal pumunta na ang mga kaibigan ko rito.
"Tanggapin mo na, Vivienne." Nakikiusap na usal ni kuya.
"Why whould I?! Ano nalang ang sasabihin ng paborito mong kapatid?! Sasabihin niya nanaman na paepal ako sa buhay niya, pabigat, at ano?!" Hindi ko napigilan lumuha, holysh*t. Bakit ba ako umiiyak? Past is past.
"You mean Haelynn?" Nagtatakang tanong niya, yep si Haelynn nga ang tinutukoy ko. Ang kapatid namin na inagaw ang lahat sa akin.
"Yeah, she is.. Ano ang masasabi niya? 'OMG, kuya... Bilihan mo rin ako ng eroplano'.." Pagtutulad ko sa sinasabi noon ni Haelynn.
"I don't care... Edi bilhan ko rin siya, basic." Tumawa ako ng sarkastiko sa sinabi ni kuya.
"Basic?!" Tumawa nanaman ako pero pilit, "your wasting your f*ckin' money! Ibigay mo nalang kay Haelynn yan. I don't need it, magsisikap nalang ako." Iiwan ko na sana si kuya nang hugutin niya ang kamay ko.
"This is my graduation gift..." Nag-puppy eyes si kuya, stop it!
"Ang aga naman ata?! Bakit hindi kayo aattend?!" Hindi napigilan ng luha ko kaya naman pinilit ko itong punasan. Hindi ako nakatanggap ng sagot kay kuya, "hindi kayo aattend..." Napatango-tango ako na umiiyak. "Okay lang, I don't need graduation gifts..." Pilit na ngiting tanggi ko sa kanya.
"Vivienne, tanggapin mo na!" Singit ni Theodore sa usapan, tinignan ko naman siya at tumango siya.
"Sige na, Vivienne!" Pati na rin si Pixie nakikisali.
"Get it..." Tinignan ko lang si Daniel sa sinabi niya. Tinignan ko si Azariah para humingi ng opinyon kaya yun tumango't ngumiti siya.
Pinahid ko muna ang luha ko at tumingin kay kuya, "pasalamat ka, meron ang mga barkada ko rito." Padabog kong inagaw ang plastik.
"Nandoon sa likod ng bahay niyo ang eroplano, maliit lang 'yon pero kakasya ang isang daang tao..." Nakangiting usal niya, paano kakasya sa likod ng bahay namin 'yon eh ang liit-liit lang?! Ahh.. Siguro kaya may mga trabahador na nagpapalawak doon kasi inutusan ni kuya?
"Makakaalis ka na... Huwag na huwag mong sabihin kila mommy at daddy na nandito ako ha? Lalo na kay Haelynn.." Utos ko, kaya tumango siya.
"Bye, Vivienne." Nakangiting tango niya at tumalikod.
_
Katrina Estrella

BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...