Kabanata 19
"Tumigil na kayo... Please!"
"T-tumigil?" Nanggigilid na ang mga luha sa mata ni Vivienne. "Kayo ang tumigil! Nakakasawa na! Hiniwalayan na nga kita dahil ayaw ko na ng problema! 'Diba nagmamahalan kayo ni Melody? Edi siya na ang mahalin mo! Tumigil na kayo! Nananahimik na ako dito! Pakiusap, tumahimik na rin kayo!" Naluha na siya ng tuluyan dahilan para lumapit si Adrianne kay Vivienne at yakapin, doon siya humagulgol nang humagulgol.
"U-umalis ka riyan! Sino k-ka ba para sumali sa gulo namin?" Reklamo ni Gerard kay Adrianne na nakayakap kay Vivienne.
"Sino ang hindi sasali sa ganitong gulo?" Malamig na tanong ni Adrianne.
"Wag ka na kasing sumali—" hindi niya na naituloy ang sasabihin ni Gerard dahil...
"Tama na... Please..." Sabi ko dahilan para mapaupo na ang lahat. Si Gerard, Julian, Daniel at Yanyan ay dumeretso sa pwesto niya kanina, si Melody ay umirap muna at umupo na rin sa pwesto niya, si Adrianne ay inaalalayan si Vivienne sa pag-upo, at si Vivienne naman ay may binulong pa kay Andrianne bago ito umupo na may ngiti sa kanyang labi.
"Tapos na ang pelikula?" Tanong ni Lexi na katabi ko.
"Sigurado akong itutuloy nila mamaya yan." Bulong ko sa kanya at umidlip.
Adrianne Shone Demkai POV
"Ano ang ibig sabihin ng ginawa mo?" Bulong ni Yanyan na katabi ko.
"I..." Sinadya kong bitinin ang sasabihin ko para mapatingin siya sa akin. "I think, I like her..." Dahilan para magulat siya.
"What?!" Mahina na sigaw niya.
"Seryoso ako..."
"A-alam ko, p-pero... 'Diba may nobyo na siya?" Nagtatakang tanong niya.
"Tanga ka ba o Bobo lang? Sinabi na nga kanina na hiwalay na sila eh..." Naiiritang sagot ko.
"Ay, g-ganun ba?" Napapahiyang sabi niya.
Vivienne Bonheur POV
"Nandito na tayo!" Sigaw ni Theodore dahilan para magising na kami... Ginala ko ang paningin ko at nakita ko ang dagat, woah.
Ginising ko naman si Daniel na katabi ko para makaayos na rin siya. Bumababa na ang iba kong kasama kaya inayos ko na ang sarili ko at kinuha ang gamit ko.
"Tara na, Daniel..." Anyaya ko dahilan para bilisan niya. Nang makababa na kaming lahat ay sinabihan ko sila na 'wag humiwalay kung hindi importante ang pupuntahan dahil malaki itong islang to.
Hila-hila ko ang dalawa kong malalaking maleta na kulay black at pink, si Daniel naman ay dalawang maliliit na maleta na parehas na kulay pink, si Theodore ay isang malaking maleta na kulay pula, si Melody ay tatlong maliliit na maleta na kulay yellow, blue at pink, si Pixie ay dalawang malalaking maleta na kulay violet at orange, si Azariah ay dalawang maliliit na maleta na kulay white at green, si Lexi ay isang malaking maleta na kulay pink, si Gerard ay may dalawang maliliit na maleta na kulay blue pareho, si Julian ay may isang maliit na maleta at isang malaking bag na parehas na kulay itim, si Adrianne ay dalawang malalaking maleta na kulay itim ganun din kay Anxiety, Yanyan at Daryl.
"Vivienne, where are they?" Tanong ni Melody sa akin dahilan para tignan ko ang selpon kung may text na si Elio.
From: President Elio
Sec. Nandito na kami sa tabing dagat, dito raw tayo magtatayo ng tent... See you VIVI...
Vivi ang tawag niya sa akin dahil hindi ko alam.
To: President Elio
Yes, Pres... OTW na kami diyan :)
"Nandoon na raw sila sa tabing dagat, nagtatayo ng tent. Tara na rin." Sabi ko at naglakad papunta doon, sumunod naman sila.
Natatanaw na namin dito ang mga nagtatayo ng tent kaso, iba't iba ang paaralan kaya mahihirapan kaming hanapin ang mga schoolmates namin.
"Where are they?" Tanong ni Melody na ginagala ang mata.
"Ayun oh..." Turo ni Julian doon sa pinakamagandang spot, woah. Nagpatungo naman kami roon.
_
Katrina Estrella

BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...