Kabanata 14
Alam ng traydor ang katotohanan? Pero... Paano? Sino? Bakit? Ang gulo!!! Umalis na ako ng kwarto na yon at dumeretso sa dining area. Kompleto na silang lahat doon at hawak na ni Julian ang dalawang libro na nakuha namin sa old library kanina.
"Ang tagal mo naman!" Reklamo ni Melody, tumingin ako sa likod ko pero wala akong nakita. Tinuro ko pa ang sarili ko at saka tinanong kung 'ako'. "Oo, ikaw!"
Tumayo ako ng matuwid at naging seryoso.
"Simulan niyo na." Seryosong usal ko at pumunta sa nakasanayan kong upuan na katabi ni Azariah at Vivienne. Blanko pa ang pagkain ng lahat kanina ngunit nung umupo na ako nagsimula na silang kumain. Nahalata ko si Azariah na hindi pa gumagalaw, nakatunganga palang. Hindi ko na yon binigyan pansin dahil masasayang lang ang oras ko.
"Kukunin ko lang yung laptop ko." Sabi ni Azariah dahilan para mapunta ang atensyon ng lahat.
"Aanhin mo?" Nagtatakang tanong ni Pixie.
"Actually... Susubukan kong mag-research, tungkol sa tulay." Aniya at walang ano-anong umalis.
"Whats wrong with her?" Takang tanong ni Melody. Nagkibit balikat lang ang lahat bilang sagot, at naging abala na kami sa pagkain. Hindi ko sigurado pero... Bakit ganun ang pakikitungo ng lahat? Yung sa aming tatlo nila Vivienne at Azariah maiintindihan ko dahil may traydor pero... Hindi ang isang 'to.
Walang pang sampung minuto, nakabalik na si Azariah dala ang laptop.
"Julian, read the title of that book." Turo ni Azariah sa unahan ng libro. Which is the bridge.
"The history of the belief bridge." Tumango lang si Azariah bilang sagot at nagsimula nang pumindot sa laptop.
"Guys... Hindi ba kayo nagtataka?" Binasag ni Daniel ang katahimikan. Lahat ng atensyon napunta sa kaniya at hinihintay ulit magsalita. "Kung bakit... Wala ang katawan ni Stacy sa ilalim ng tulay nung mga oras na yon?" Lumaki ang mga mata namin dahil sa gulat at tinignan ko si Vivienne kung ano ang reaksyon. Blangko lang at nakatingin sa ere.
"Sabi na nga ba..." Bulong ni Vivienne dahilan para sa kanya mapunta ang atensyon ng lahat.
"A-anong ibig mong sabihin, Vivienne?" Tanong ni Melody. Tinignan ko si Azariah kung ano din ang naging reaksyon niya pero blangko lang na nagre-research. Mukhang alam niya ang sinasabi ni Vivienne, hindi na ako magtataka dahil sila ang unang maging magkaibigan.
"Hindi pa patay si Stacy." Pagprapranka ni Vivienne dahilan para mas lalong magulat ang lahat.
"A-ano ang ibig mong s-sabihin?" Ulit na tanong ni Pixie.
"Maaaring nasa paligid lang natin siya o maaaring may kumuha sa kanya."
"What?! Paano mo nasabe?"
"Alam nating lahat na lupa ang babagsakan ni Stacy at impossibleng makabangon siya agad." Sagot ni Vivienne. What? Ano daw? Hindi ko maintindihan!
"Ano? Hindi ko maintindihan!" Reklamo ni Daniel.
"May tumulong sa kanya."
"Ha? Malabong mangyari yon! Walang nakatira sa ilalim ng tulay!" Sabi ni Julian dahilan para matuon kay Vivienne ang atensyon ng lahat para sa sagot.
Ngumisi si Vivienne, "Wala nga ba?" Kinilabutan ako sa sinabi niya. Magtatanong pa sana ako ngunit nagsalita na si Azariah.
"May na-research na ko!" Sa kanya naman natuon ang atensyon ng lahat pati si Vivienne.
"Ano daw sabi?" Nagtatakang tanong ni Gerard.
"Totoo nga! May na-aksidente sa tulay na yon! Pero... Wala akong makitang dahilan ng pagkamatay, ang sabi lang dito ay nahulog daw sila. WTF? Nahulog?" Sagot ni Azariah na nakatingin pa sa laptop niya.
"Ano? Nahulog? Pero impossible! Nakita daw ba ang katawan nila?" Sunod-sunod na tanong ni Pixie.
"Sabi naman dito ay 'their body is missing' parang kay Stacy, nawawala ang katawan niya." Okay, inaamin ko na! Kinikilabutan na ako.
"What? Patingin nga yong libro. Tignan natin kung meron ang dahilan ng pagkamatay nila diyan." Ani Gerard dahilan para magtaka ang karamihan.
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...
