Kabanata 10
"Tuwing nasa tulay tayo, may nakikita akong nakaputing babae sa tuktok ng tulay at demonyong lalaki na parang ikaw sa panaginip ko. Yung napaniginipan natin ay hindi tayo 'yun. Sila yun, sila. Hindi ko alam kung bakit tayo pa."
Nagulat ako sa sinabi ni Vivienne.
Impossible.
"Kung pwede ba sa atin muna ito?" Tanong niya.
"Oo, oo." Nilalamig na ako sa mga sinabi ni Vivienne
Sinabi nila sa akin na may gusto si Stacy sa akin, matagal na. Masyado lang akong manhid.
Nandito kami sa tulay ngayon at dahil may third eye si Vivienne nagbabasa lang siya at nakasumbero kasi ayaw niya makita ang napaniginipan namin.
Nagtataka pa rin ako kung bakit kami pa ni Vivienne ang pinili. Kung pwede naman ibang tao. Ang other side ko ay hindi nagtataka kasi lagi kaming nakatambay dito.
Magkabati na rin si Stacy at si Vivienne dahil totoo ang sinabi ni Vivienne na virginity lang niya ang habol ni sir Daven.
Umiinom kami ngayon, nag anyaya kasi si Stacy dahil kay Sir Daven. Mahal niya na pala si Sir Daven.
Nagkaayos na din si Gerard at Vivienne. Nagselos kasi si Gerard sa akin at Vivienne.
Si Vivienne, Azariah, Lexi at ako lang ang hindi umiinom, kasi binabantayan ko si Vivienne. Malay mo may makita.
"Laro na tayo, maaga pa naman." sabi ni Stacy na lasing na lasing na.
Anong maaga? 6:43 pm na!
"What game?" Tumatawang tanong ni Pixie.
Tawa sila ng tawa na parang mga baliw, 'di na ako magtataka dahil lasing na lasing na sila.
"Lets walk at the top of the bridge." Parang huminto ang oras nang marinig ko iyon, tinignan ko si Vivienne na gulat na gulat na rin dahil hininto niya ang pagbabasa at lumaki ang mata niya. I can feel her body shaking.
"No." pagmamatigas ko.
"Just once."
"No."
"Theodore, it's just a dream. Let them be." Sabi ni Lexi sa akin.
"Fine, just... Just be careful." pagkasabi ko, pumwesto na agad si Stacy sa tuktok ng tulay at tumayo.
Lasing siya.
"Orasan niyo ako." sinunod naman ni Melody ang sinabi ni Stacy.
Tinignan ko sa Vivienne na nakatingin kay Stacy na mukhang nakakita ng multo, she's still shaking.
"Time..." Lahat ng mata ay na kay Stacy na binabalance ang katawan niya.
"Starts..." Here we go.
"Now..." Akala namin maglalakad lang si Stacy pero mukhang hindi kasi tumatakbo siya.
Nasa gitna na si Stacy nang magsalita si Vivienne.
"Huwag diyan!" Hindi siya pinansin ni Stacy dahil dumeretsho lang ito hanggang sa mangyari ang nasa panaginip namin ni Vivienne.
Vivienne Bonheur POV
Nakikita ko ang mga nakaabang kay Stacy sa gitna ng tulay.
The white lady and the demon guy.
"Huwag diyan!" Sigaw ko kay Stacy nang pumunta siya sa gitna pero parang wala siyang narinig.
"Stacy!!!" Sigaw ng mga kasama ko dahil tinulak siya ng white lady papunta sa baba. Sure akong hindi ito nakita ng mga kasama ko because they doesn't have a third eye.
I am just tense and speechless this time.
Wala na si Stacy. Wala na.
Theodore Achoria POV
Tinignan namin ang pinaghulugan ni Stacy pero ang nakita lang namin ay dugo. Wala ang katawan niya.
All the girls plus Daniel are crying maliban kay Vivienne na nanigas lang at walang masabi.
"What happened?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Azariah.
"Sabi ko kasi sa inyo na huwag nang tumuloy!" Sigaw ko sa kanila.
Gerard hugged Vivienne.
"Ang bilis ng nangyari," hindi makapaniwalang bulong ni Lexi na umiiyak.
"Ano na ang sasabihin natin sa school? Sa mga magulang niya?" Tanong ni Pixie na umiiyak din.
"Sasabihin natin na... Na nagkasakit lang si Stacy... Simula bukas, walang magpapahalata... Ang sasabihin natin malubha ang sakit ni Stacy and when the time come sasabihin natin namatay siya dahil sa malubha niyang sakit." paliwanag ni Gerard.
"But how?" Sigaw ni Azariah
"Just... Just trust me guys."
ANG BILIS ng pangyayari, napakita na namin sa lahat na may malubhang sakit si Stacy pero hindi pa nila alam na wala na ito.
"Guys, ngayon na ang deadline ng bayad sa camping" sabi ni Lexi sa amin.
"Nabayadan ko na," nagulat kami sa sinabi ni Julian.
"What?"
"I paid you all."
"Babayadan nalang namin mamaya," walang gana na sabi ni Azariah. She still thinking Stacy. Sinasabi niya pa na siya ang may kasalanan ng lahat, she blamed herself.
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...