Kabanata 47

61 7 0
                                    

Kabanata 47

9th day of camping...

NAGISING ako sa lakas ng simoy ng hangin na nagmumula sa veranda. Bumangon ako at nag-morning routine, dahil wala akong balak lumabas, nag-puting short lang ako at sando na kulay black.

Lumabas ako ng kwarto at nagulat ako dahil mga nakabihis yung mga kasama ko.

"Saan kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"Ikaw? Wala kang balak?" Sarkastikong tanong ni Lexi, syempre naturuan na siya ni Daniel magsalita ng pambakla.

"Balak saan ba?" Nakakunot noo na tanong ko ulit.

"Pupunta tayo sa Aiguo Island o sa madaling salita Patriotic Island..." B-bakit sila pupunta roon? I mean kami?

"B-bakit kayo pupunta roon?"

"We need to see your country, malay mo punong-puno na ng ahas dahil sa paglalayas mo! Don't worry, kinausap namin ang kuya mo. May dalawang helicopter na susundo sa atin." Pagpapaliwanag ni Daniel, tama siya, ayon ang isla ko... Malapit lang dito.

"Pack your things..." Tapos iniwan ko na sila, at nagmadaling magayos.

Syempre, naka-beach dress lang ako na hanggang tuhod at beach slippers. Na may beach hat, eye glasses at iba pa.

"Ready na ready ah?" Nangasar pa ang bakla.

Sumakay na kami sa helicopter, at 'oo' yung iba nasa isang helicopter. Sa sinasakyan kong helicopter kasama ko si Adrianne, Azariah, Daniel, Lexi, Julian, at Yanyan. Yung sa isa naman yung iba.

Of course, meron yung mga takot sa heights, walang iba kundi si Lexi, at Daniel. Hahahahaha—PILIT!

ILANG ORAS, nakarating na rin kami sa isla ko. Hindi ako makapaniwala dahil MAS gumanda ang isla ko, and I'm sure na dahil sa lolo't lola ko.

"Woah, sissy... Gumanda yung isla mo ah?" Nagtataka si Daniel, hindi na ba siya sanay sa akin?

Sa binabaan namin, makikita mo ang matataas na mga hotel at ang mga madadaming nagtitinda ng souvenirs.

"Guys, saan tayo?" Nakangiting tanong ni Lexi.

"Sa mansyon..." Kayansa huli, pumunta kami sa mansyon ko.

Nasa gate palang kami, nakita na ako ng guwardiya kaya pinagbuksan kami, maya-maya lumabas din ang yaya at sinabing, "b-bumalik po kayo, miss Vivienne..."

"Nasaan si manang Carla?" Nagtatakang tanong ko.

"Ah, nasa loob po..." Pumasok na ako sa loob, at buti naman walang nagbago. Dahil gutom ako, pumunta ako sa kitchen at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Apo!"

"Lolo! Lola!" And we hugged. Ganun namin ka-miss yung isa't isa, hindi ko nalang pinansin na meron si kuya, Haelynn, at ang mga magulang ko rito.

Nagtungo kami sa pwesto nila kanina, pati na rin ang mga kasama ko.

"Oh, ikaw na ba yan Vienne?" Tinignan ko yung nagsalita sa likod ko.

"Manang!" At nagyakapan kami. I don't care na sa mga taong tumitingin.

"Kamusta na?"

"Eto, okay na okay naman po..."

Nang tumikhim si lolo, lumayo si manang. Magtratrabaho siguro...

Umupo ulit ako at tinignan si lolo't lola, "malapit na po pala ang graduation ko, pupunta po ba kayo?" Nagtatakang tanong ko pero hindi sila sumagot... "Ah, okay lang..." Ayon yung masakit eh, yung walang maaasahan sa graduation.

"Joke lang! Yeah, pupunta kami..." Lumapad ang ngiti ko at niyakap sila. Hays, alam talaga nila ako basahin.

"Kamusta na po pala kayo?"

"We're good, how about you apo?" Si lolo na ang nagsalita.

"Okay naman po, kamusta naman na po itong isla?"

"Ayos naman, kaming dalawa ni lolo mo ang nagaasikaso ng lahat..."

"Okay lang naman po na... 'Wag na po kayong magasikaso, hindi po makakabuti sa health niyo..."

"We can do it, para sa'yo apo..."

"P-pero—" naputol ang sinasabi ko.

"Ehem..." Tumikhim kasi si dad, kaya 'yon back to normal. Kumain lang ako nang kumain, lagay kasi nang lagay sila lolo't lola.

"Malapit na pala yung birthday mo, hija?" Tinignan ko si lola at tumango. Baka kasi may kontrabida nanaman. "Diba, magdedebut ka?"
Tumango ulit ako. "Okay lang ba sa'yo kung dito ka mag-debut?"

Nanlaki ang mga mata ko, "ah—ehh... Hindi ako magdedebut, kasi po..." Ano bang magandang dahilan??? "Kasi po... A-ano... M-madami pong gagawin sa oras na 'yon, k-kasi po after graduation..." Pagsisinungaling ko.

"Madami kayong gagawin after graduation?" Tanong ni lolo sa mga kaibigan ko habang silola nakatingin sa akin.

"Wala po..." Pagprapranka ni Daniel, habang nakangisi pa. Napapikit nalang ako sa inis... Hindi manlang ako sinakyan!

"Oh, edi dito ka na magdebut..." Sabi naman ni lola.

"Ah! Nakita ko na po kanina si Bristol, kasama si Reese, with their three babies... Binigyan ko rin sila ng pangalan, yung babae ay si Bailey, nagiisa lang siya na babae, habang yung panganay naman ay si Zedienne, and Breese yung bunso. Lalaki si Breese at Zedienne..." Pagiiba ko sa usapan, mabuti nalang sinakyan
nila.. Woshoo...

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon