Kabanata 50
Tinignan ko si Stacy kung anong reaksyon niya, at ayun... Nanghihina. Sabi na nga ba! Hindi na siya yung sinasaniban.
Binulong ko kay Theodore ang mga hinala ko, kung totoo bang si Vivienne na ang sinasaniban. Ayokong isipin na siya ang sinasaniban dahil alam kong mahina si Vivienne.
Biglang nawalan ng malay si Stacy, dahilan para makuha na namin siya.
So, totoo nga ang hinala ko... si Vivienna na ang sinasaniban.
"WSHDISNB!" Sigaw siya ng sigaw na hindi namin maintindihan, mukhang si lola lang ang nakakaintindi dahil tawa siya ng tawa.
What the?!
Maya-maya, may kinuha si lola na... Matalim na bagay, it's a knife. Inabot niya ito kay Vivienne.
"Hey! Anong ginagawa mo?" Nag-aalalang tanong ni Anxiety.
Tumawa lang si Vivienna na parang baliw. Akala ko sasaksakin niya ang isa sa amin pero... Nagkakamali ako...
SINAKSAK NIYA SA SARILING DIBDIB NIYA ANG PATALIM!
"VIVIENNE!" Napasigaw ang lahat sa ginawa niya. May lumabas sa ilong at bibig niya na dugo. Pati na din sa dibdib niya na sinaksak niya.
"Vivienne!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko habang niyayakap pa siya. "Bakit mo sinaksak yung sarili mo?! Bakit?! Vivienne?!" Tinignan ko si lola, hindi manlang siya nagulat. Sa halip ay tumatawa pa nga.
"WALANG HIYA KA!!!" Sinugod siya ni Melody. Si Melody?! Oo siya. Akala ko nga magka-away sila ni Vivienne pero siya pa mismo ang sumugod.
Hindi ko inaasahan na sasakalin niya ang matanda, dahilan para pigilan ko siya. Nawawala siya sa sarili niya.
"Tama na, Melody. Kailangan nating itakbo si Vivienne sa hospital!" Sigaw ko sa kanya. Humarap siya sa akin na may kunot noong mukha.
"BINIGAY NIYA KAY VIVIENNE YUNG KUTSILYO AT INUTUSAN NIYA!" Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon.
"A-ano? I-inutusan niya?!" Nagulat ako dahil wala naman kasi akong narinig na inutusan niya si Vivienne. Siguro, busy ako kakatinggin kay Stacy na nawalan na ng malay.
"Oo! Kaya ang dapat gawin sa matandang yan ay patayin!" Sabay kuha ng kutsilyo.
"Wag, Melody! You will be a criminal."
"Basta para kay Vivienne, handa akong maging kriminal! Ipinaubaya niya si Gerard sa akin, kaya kailangan ko nang suklian! Palibhasa, hindi mo kayang gawin ito para sa kaibigan mo!" Nagalit ako sa sinabi ni Melody dahilan para tumulo na ang mga nangingilid kong luha.
"Sa tingin mo ba, kung magigising na si Vivienne, mapapatawad ka niya? Ha?!" Tama! Hindi siya mapapatawad ni Vivienne kapag pinatay niya ang walang hiyang matandang 'to.
Sarkastiko siyang tumawa, na may luhang tumutulo sa mukha niya. "Hindi na magigising si Vivienne, sa puso niya isinaksak ang kutsilyo! Sa puso!" Dinuro-duro niya pa si Vivienne na ngayong binubuhat na ni Adrianne para makaalis sa lugar na 'to.
"Pwede naman tayong mag-hanap ng puso! Pwede kong ibigay ang puso ko sa kanya para mabuhay lang siya!" Hindi ako sinungaling! Pwede kong ibigay ang puso ko para mabuhay siya.
"Nasaksak din ang dede niya! Ano sa tingin mo? Mabubuhay pa siya, ha?!" Hindi ko na natiis, nasampal ko na siya. Wala siyang karapatan para sabibin 'yan! Mabubuhay pa si Vivienne! Hindi siya mamamatay! May paraan pa!
Humagulgol lang ako sa harapan niya, wala na akong masabi. Wala na. Kung totoo ang sinabi niya, maaring mamatay si Vivienne. Pero, hindi ko 'to papabayaan.
"Gawin mo ang lahat ng gusto mo! Hindi na kita pipigilan! Sumunod ka sa amin pagkatapos ng mga binabalak mo!" Pagkasabi ko ng mga salitang yan, sumunod na ako kina Adrianne. Iyak lang ng iyak ang mga kasama ko.
Bakit? Bakit siya?! Pwede namang ako! Bakit ba kasi?! Anong ginawa niyang masama?! At bakit siya?!
Hindi ako papayag na mamamatay si Vivienne, basta-basta. Hinding-hindi ako papayag! She's my bestfriend! Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit kami pa?!
Hindi ko namalayan na nasa hospital na pala kami.
_
Katrina Estrella
![](https://img.wattpad.com/cover/226026707-288-k809688.jpg)
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorreurUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...