Kabanata 48
AFTER THE CAMPING, back to normal nanaman, kahit na malapit na yung birthday ni Azariah at ang birthday ko, hindi namin magawang magpakasaya dahil hinahanap na si Stacy at tinatanong kung gragraduate pa.
Naglalakad kami ngayon papunta sa ilalim ng tulay, kung may makikita kaming matandang babae roon, confirmed yung panaginip namin ni Theodore.
"Ito yung tulay na sinasabi niyo?" Nagtatakang taning ni Anxiety, dinala kasi namin sila since magkakaibigan naman na kami.
"Yup," sagot ni Pixie sa kanila.
"Is that... Is that a cottage?" Nagtatakang tanong ni Melody at tinuro pa 'yon. OMG! This can't be happening!
"Tara doon..." Anyaya ko dahilan para mapahawak sila sa isa't isa, ang arte.
*Knock-knock*
Kinatok namin ang kubo na 'yon, narinig naman namin ang yabag kaya umayos kami. To be honest, I'm freaking scared.
Nang bumukas ang pinto nagulat kaming tatlo ni Azariah at Theodore dahil siya yung matanda sa panaginip namin! WTH?!
"Sino kayo?" Nagtatakang tanong ng matandang babae, kamukang-kamuka niya ang nasa panaginip ko.
Nung mapansin kong walang sumagot sa amin ako na ang magsasalita. "Ah, ako nga po pala si Vivienne, pwede po bang magtanong?" Inilahad ko pa ang kamay ko na tinanggap niya naman.
"Ako si Vanessa, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"
"Ah, nais lang po namin na itanong kung may nakita po kayong babae na kasing edad namin." Singit ni Azariah sa usapan.
"Isang dilag?"
"Opo, isa po siyang dilag." Sabat naman ni Theodore, yeah... Crush niya, hahahaha—pilit. Duh, Vivienne. What are you thinking? Nasa gitna tayo ng problema.
"Wala siya rito, umalis na kayo." Nabigla naman kami sa sinabi ni lola Vanessa.
"A-ano po? Pwede po ba naming silipin ang loob ng kubo niyo?" Nauutal na tanong ni Melody.
"Hindi maaari!" Mas nagulat kami sa ginawa niyang pagsigaw.
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
TerrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...