MARUPOK 1

597 26 6
                                    

"Marou, maruya oh!" alok sa'kin ni Thea.




"Thanks!"




"Asan si Nietta?"




"I don't know, maybe she's finding some handsome guys out there, again." sagot sa'kin ni Thea.




Kahit kailan talaga.




"Mauuna na ako sa classroom."




Taas noo akong naglalakad sa hallway. Pagkapasok ko ng classroom ang gugulo na naman ng mga boys namin!




May nagbabatuhan ng papel dito, doon, every time, every where! Hindi ba sila napapagod? Kulang na lang magbatuhan na rin sila ng kahoy na upuan namin e.




Hays, mga lalake talaga ang tatagal mag matured!




"Marou Mae!!" nilingon ko 'yung babaeng sumigaw sa likod ko.




"Punyeta ka talaga, Antonietta! Ilang beses ko ba uulitin sa'yo na 'wag mo ako tatawagin sa pangalan na 'yan!" reklamo ko.




Si Nietta, sounds like 'nyeta' , 'punyeta' ganun siya. Madalas talaga siyang nakakapunyeta dahil sa hilig niyang mang asar. Tipong, pikon na pikon ka na pero G na G pa rin siya sa pangungutya sa'yo.




Ikaw ba naman pangalanan ng 'Marou Mae' matutuwa ka ba? Kasi ako hindi, ang dumi e.




"Ano ba 'yan, Nietta. Excuse me po saglit." sabi ni Thea habang nadaan.




Eto naman kasing si Nietta paharang-paharang din, akala mo naman model.




Si Thea naman, siya ang englishera sa'min. Napakamahinahon niya rin na tao. Ang galing sumaway! Nagtataka nga kami kasi wala man lang nanliligaw sa kaniya, ganda niya kaya!




"Bakit mo 'ko tawag?"




Lumapit siya sa'kin at inilipat niya ang bibig niya sa tenga ko.




"May nakita akong pogi sa taas!" malandi niyang bulong sa'kin.




"Anong gagawin ko?" duh, loyal ako sa crush ko 'no.




Crush pa lang loyal na ako, paano pa kaya pag naging kami na baka pakasalan agad ako nun. Char.




"Daan tayo sa taas, kunwari may hinahanap tayo. Sige na" pagmamakaawa sa'kin ni Nietta.




"Crush mo?"




"Slight."




"Rupok mo naman!"




"Mas marupok ka, si Marou ka e." natatawang sabi niya.




Umupo na lang ako sa upuan ko habang iniintay at nagbabakasali na dumaan si crush sa tapat ng room namin.




Sa may bintana ako palaging nakapwesto para more chance to see my crush.




"Hoy, maroupok! Sama ka ba sa'min mamaya?" tanong ni Rj sa'kin.




"Where?"




"Park."




Park? Nung nasa private school pa ako kapag nagkakayayaan lumabas, pupunta kami sa mga mamahaling restaurants. Never in park.




Pero ngayong nasa public school na ako, pa-park-park na lang ako.




Tyaka ayoko na makisalamuha sa mga taga private school, puro tarantado eh. Katulad na lang ni Emman.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon