Pinalo ko kaagad ang kamay niya nang maramdaman ang pag init ng pisngi ko.
Natawa naman siya sa ginawa ko.
"Ang dirty ng kamay mo ididikit mo pa sa bibig ko!" sabi ko at tinalikuran ko siya para mauna ako maglakad.
"Malinis 'to ah, kasi malinis din ang intensyon ko sa'yo."
"Ano ba problema mo?" huminto ako sa paglalakad para harapin siya.
"Ikaw" binulsa niya ang kaliwang kamay niya habang hawak naman ng kanang kamay niya ang isang strap ng backpack niya.
"Ako?!" inis na tugon ko.
"Hindi ka kasi naniniwala na crush kita" ngiting-ngiti na sabi niya.
Naramdaman ko kaagad ang pag init ng pisngi ko kaya lumingon ako sa gilid.
"Bakit kasi ako maniniwala?" I crossed my arms.
"Kasi sinabi ko?" kunot noo niyang sabi na parang sinasabi niya na ang tanga ko.
"Sinabi mo lang pero wala sa gawa" ngumis ako sa kaniya.
"Eh, ano 'to?" tumingin siya sa mga paa namin at tumingin ulit sa mukha na nakangiti.
"Sapatos" napairap siya sa sinabi ko.
"Tara na nga, bago ko pa isipin na tanga ka." Naglakad siya palapit sa'kin, inangat ang kaliwang kamay at pinatong sa balikat ko.
"I'm not stupid, 'wag mo 'ko itulad sa'yo!" inis kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sa'kin.
"Sabihan mo lang ako na tanga kapag sinaktan kita." seryoso niyang sabi habang naglalakad kami.
"Tss. Napaka pa-fall" umiiling-iling na sabi ko.
"Na-fall ka naman?" ngiting-ngiti na sabi niya. Naramdaman kong pinatong niya ang kaliwang kamay niya sa bag ko.
"No!" mabilis na sagot ko. "Alisin mo nga kamay mo dyan, bumibigat bag ko e!"
"Okay" nagulat ako nung hinatak niya ang bag ko at dali-dali tinanggal sa balikat ko.
"What the--" bago ko pa maagaw sa kaniya, sinabit niya na 'yun sa harap ng katawan niya.
"Tara na" hinatak niya na naman ako, hawak hawak niya ang wrist ko.
Tinitigan ko lang ang kamay niya na nakahawak sa kanang kamay ko, pinipigilan ang pag ngiti ko.
Monday na agad kaya pumasok kaming lahat ng maaga para asikasuhin ang parol na gagawin namin. Matagal gawin 'to kaya ngayon pa lang pinaghahandaan na namin. Nasa open court lang ulit kami, bawal pa kami pumasok sa classroom namin dahil ginagamit pa 'yon ng mga pang umaga.
"Sino bibili ng mga materials?" tanong ng Treasurer namin.
"Ako na lang" prisinta ko, nakikita ko kasi na busy na ang iba at may kaniya-kaniya ng ginagawa samantalang ako, tapos na ako sa ginagawa ko kanina.
Binigay niya sa'kin ang listahan ng mga bibilhin, pati na rin ang mga pera na inambag namin.
"Sakto na lahat 'yang budget" sabi ni Treasurer namin na babae.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Dla nastolatkówMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...