MARUPOK 45

199 10 8
                                    

"Nietta!" tawag ko.




"Bakit?" naiirita na sabi niya.




Luh! Wala pa nga akong sinasabi galit na agad!




"Sungit naman ni Nietta!" reklamo ni Zha.




"Argh! Nasstress na ako sa short film natin!" inis na sabi niya. "Nagloko 'yung ineedit ko kaya ulit na naman ako sa umpisa!" parang iiyak na siya.




"You need help?" nag aalang sabi ni Thea.




"Oo" napahilamos siya sa mukha niya. "Kaso wala namang marunong mag edit sa inyo" napakamot siya sa ulo niya.




"Ha? Anong wala? Marunong ako." sabat ni Xands habang may hawak na bola.




Pawisan na naman ang mga boys namin, nag basketball.




"What?!" gulat na sabi ni Nietta at parang mahihimatay na siya. "Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin!"




Napakamot si Xands sa ulo niya. "Hindi ka naman nagtatanong e." nilapag niya 'yung bola sa ilalim ng upuan.




"Ako na diyan, mag pahinga ka na." sabi ni Xands sa kaniya.




"Yiee." pang aasar ni Junjun.




"Pa-epal ka?" inis na sabi ni Nietta.




Natawa ako, highblood pa rin siya hanggang ngayon.




"Wala yatang araw na hindi ka galit, Nietta, tatanda kang dalaga niyan." sabi ni Paul.




"Okay lang! Kaysa naman sa mangunsumisyon sa inyong mga lalake!" sigaw niya.




"Luh, hindi lang kayo marunong mag appreciate! 'Diba Ken?!" inakbayan ni Paul si Lou.




Pinandilatan ko si Paul, lintek na! Lalasunin pa utak ni Ken!




"Huwag ka lumapit diyan, Ken." inirapan ko si Paul.




Napalingon ako kay Nietta pero wala na si Nietta! Si Xands na ang nakaupo roon.




"Nasaan na si Nietta?"




"Nag CR lang." sagot ni Liya. "Iniihi niya ang stress niya." tumawa siya.




"Bihis lang ako, Marou. Diyan ka lang ah, baka mawala ka na naman." sabi sa'kin ni Kendmar.




"Hindi ako mawawala rito, bahay lang 'to nina Nietta."




Napangiti ako, noong isang araw kasi sa mall sabi niya huwag ako aalis pero umalis ako tapos ayun nawala ako!




"Lika nga rito." hinatak ko siya palapit sa'kin, pinunasan ko ang pawis niya sa buong mukha niya.




"Sana all, Liya!" sigaw ni Rj.




"Anong sana all? May kamay ka." masungit na sabi ni Liya.




"Aww, LQ na naman sila." tumawa si Junjun.




"Gago, wala ka lang jowa e." hinamaps ni Rj ng towel si Junjun.




"Napakasama ng ugali mo!" sagot sa kaniya ni Junjun.




Napailing ako habang tumatawa. Natigilan ako sa pagtawa nang nakita ko si Ken na nakatitig sa'kin.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon