MARUPOK 31

149 11 2
                                    

Nasa hospital daw si mama, pinapunta raw dito si Bryan para samahan ako. Umakyat pa siya sa gate namin dahil CR na CR na siya, hindi niya na raw ako naintay pa, hindi niya alam kanina pa ako nandito.




Pinilit ko si Bryan na puntahan si mama, nakarating kami sa hospital at okay naman si mama. Sumakit lang ulit tyan niya kaya ganoon, nasermonan ko pa siya kasi hindi man lang siya nag chat kaya raw pinapunta niya si Bryan.




Next month na manganganak si mama kaya off to work muna si daddy simula next week.



"General clining daw tayo guys!!" sigaw ng president namin.




First subject tapos wala kaming teacher ngayon kaya nautusan na naman kami maglinis ng classroom.




"Tara na linis na." tumayo na ako.




Magkahiwalay kami ni Kendmar habang naglilinis, naglalampaso ako sa sahig habang nagbubunot naman sila. 'Yung iba naglilinis ng bintana.




"Junjun! Paabot naman nung basahan!" sigaw ni Nietta habang nakatungtong sa monoblocks.




Nakaluhod pa rin ako sa sahig pinapanood ko sina Nietta kumilos habang nag fo-floor wax ako.




"Oh, catch!" tamad na sabi ni Junjun.




Tumingin ulit ako sa sahig na fino-floor wax ko.




"Nietta!" panic na sigaw ni Thea.




Agad kong inangat ang ulo ko, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Parang malalaglag na si Nietta!




Sa bilis ng pangyayare, namalayan na lang namin na nalaglag na nga siya pero,




Nasalo siya ni Kendmar.




My jaw dropped. I don't know what would I react. Para silang bagong kasal sa posisyon nilang dalawa!




Agad kong iniwas ang tingin ko at bumalik sa pag floor wax, nakaramdam ako ng mali.




"T-thanks" narinig ko na sabi ni Nietta.




Nakita ko sa peripheral vision ko na binaba na ni Kendmar si Nietta.




Ramdam ko rin na pinagtitinginan nila ako ngayon, shet.




"Ikaw kasi Junjun! Gaga ka! Hindi mo man lang inabot sa'kin ng maayos!" rinig ko na sigaw ni Nietta.




Hindi ko sila tinignan. Sa boses pa lang niya alam ko na hinampas niya na si Junjun or what. Napaupo ako sa sahig, pinanusan ko ang pawis ko gamit ang likod ng kamay ko.




"Nasalo mo naman e!" comment ni Junjun pero natawa.




Nahihirapan ako bigla huminga sa nakita ko! Gosh! Bakit ganito! Umiling-iling ako para mawala na 'yung nasa isip ko.




"Nasalo ko nga, nalaglag naman ako sa upuan!"




"Nasalo ka naman ni Ken!" napatigil ang kamay ko sa pag floor wax.




Automatic na lang na tumayo ako at lumabas ng classroom, nagkunwari akong pumunta sa banyo.




"Marou" napalingon ako kay Kendmar, sinundan pala ako. Tsk.




"Hmm?"




"Okay ka lang?" nag aalalang tanong niya, may hawak pa siya na basahan at pawis na pawis na siya.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon