Nagpaalam kaagad ako kay mama na aalis muna kami ni Ken dahil nasa hospital si Xands, pumayag naman siya agad kasi kilala niya na si Xands.
"Nasagasaan si Xands ng isang Owner, tumakas pa nga e." nakayuko si Lou.
"Tarantado 'yun ah." inis na sabi ni Ken.
Nasa bahay kami ni Kendmar ngayon, malapit lang kasi ang bahay nila sa hospital.
"Nasa ER pa rin siya bago kami pumunta rito." seryosong sabi ni Paul.
Nauna kaming dalawa ni Kendmar dito sa bahay nila, hindi pa kami nakakapunta sa hospital. Bigla raw kasi dumating ang kuya ni Xands kaya nagdesisyon sila na umalis muna sa hospital, inoffer naman ni Ken na sa bahay raw muna nila kami.
"Sila Nietta pupunta raw ba?" tanong ko.
Puro lalake lang ang kasama ko rito, buti na lang babae ang kapatid ni Kendmar. Si Kesha at 'yung yaya nila.
"Hindi ko alam, hindi sila active e pero nag iwan ako ng message sa gc natin." sagot ni Junjun.
Biglang lumapit sa'kin si Kesha.
"Ate, tirintas mo buhok ko." tumalikod siya sa'kin, nagpapatali.
"Kesha, no. Nakakahiya kay ate Marou mo." saway sa kaniya ni Ken.
"Hindi, okay lang." sabi ko. Binuka ko ang legs ko at nilagay ko sa gitna ko si Kesha para maipitan ko ng maayos.
Naririnig ni Kesha ang usapan nina Ken, puro bad words ang lumalabas sa bibig nila sa sobrang inis doon sa sa lalakeng tumakas na may ari ng Owner.
"Kesha, how old are you?" kinakausap ko siya para hindi niya marinig mga pinag sasabi nina Junjun.
Tinaas niya ang mga daliri niya at finorm niya 'yon sa eight.
"Eight!" bibo na sabi niya habang nakaharap sa mukha ko ang mga daliri niya.
Ang cute-cute niya! Palagi siyang nakangiti at mukhang masayahin na bata plus ang ganda pa! Parang girl version ni Kendmar!
"Ikaw?" napapangiti ako sa bawat salita niya, ang liit ng boses niya.
"Eight din." biro ko.
"Eight? Paano ka magiging eight e mas matangkad ka sa'kin tapos mas mahaba kamay mo." hinahawakan niya ang kamay ko.
Nilagyan ko siya ng headband na pink saka ako tumawa sa sinabi niya.
"Nag jojoke lang si ate, fourteen na ako." nakangiting sabi ko.
"Joke ba 'yun? Hindi naman ako natawa ih." dismayado sabi niya.
Napakamot pa siya sa ulo niya kaya medyo nagulo ang buhok niya! Grabe, hindi lang pala sila magkamukha ni Kendmar! Magka ugali pa yata!
Lumapit sa'min si Kendmar. Mukhang galit pa rin.
"Kesha, sleep na tayo." alok sa kaniya ni Kendmar.
Biglang yumakap sa'kin si Kesha, ayaw lumapit sa kuya niya hahaha! Napatingjn ako sa wrist watch ko.
"Ang aga pa ah." sabi ko kay Ken.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...