"Nice one, nag pa-rebond si Alliyah." narinig ko na sabi ni Rudolf.
Napalingon ako kay Alliyah na new look nga, mas gumanda siya. Natawa pa nga kami kasi ang daming nag pa-rebond, karamihan girls. Required ba 'yon kapag bagong taon?
"Marou" kumislap ang mga mata ko nang makita ko si Kendmar!
"Ken!" I gave him a thight hug.
Sa bewang niya ako nakayakap. Pinulupot niya ang isang kamay niya sa leeg ko habang ang isang kamay niya ay nakahawak pa rin sa strap ng backpack na bibit niya. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya.
"H-hindi na ako makahinga."
"Sorry" tumawa ako nung inalis ko na ang kamay ko sa bewang niya.
"Na-miss mo 'ko?" ngiting-ngiti na sabi niya.
Napalingon ako sa paligid namin bago ako sumagot sa kaniya.
"Oo naman!" mahinang sabi ko.
Inakbayan niya ako at dinala sa side ng upuan nila. Umupo ako kung saan ang upuan ni Xands, sa left side, wala pa naman siya kaya okay lang na umupo ako. Dahan-dahan umupo si Kendmar dahil medyo maliit ang upuan niya, habang paupo siya nilapit niya ang mukha niya sa'kin at dinikit niya ang labi niya sa sentido ko!
Agad ko siyang hinampas kaya agad bumagsak ang pwetan niya sa upuan. Nag panic agad ako at napalingon sa paligid namin. Phew! Mabuti at walang nakakita.
"'Wag dito sa school!" pasigaw na bulong ko sa kaniya.
"So, pwede sa labas?" ngumisi siya.
"N-no! No kiss!"
"Anong kiss-kiss pinag uusapan niyo, ha?" napalingon kami kay Zha.
What the! Ang aga naman niya ngayon!
"Mother Zha! Bagong buhay ah!" nang aasar na sabi ni Paul. Mabuti na lang dumating siya, naligtas niya ako sa tanong ni Zha, hihi.
"Gago, hindi lang kasi traffic." umiiling-iling na sabi ni Zha atsaka siya dumirestyo sa upuan niya.
Lumabas ulit si Paul ng classroom, ang likot-likot niya! Binaling ko ang tingin ko kay Kendmar at sinamaan ko siya ng tingin.
"Next time, watch your moves!" pinandilatan ko siya.
"Next time, watch your mouth, too." natatawang sagot niya.
Aba! Parang kasalanan ko pa ngayon kung bakit may narinig si Zha! Argh, sige na kasalanan ko na! Pero hindi ko naman masasabi 'yon kung hindi niya ako kiniss e!
"Tsk." inirapan ko siya.
"Luh, ngayon lang tayo nagkita ang init agad ng ulo mo sa'kin." malungkot na sabi niya, humarap pa siya ng maayos sa'kin para mag pa-cute.
Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko sa itsura niya, nag me-make face siya, ang epal!
"Ngumiti ka!" tinuro niya ako na parang inaakusahan.
"So what?" pagsusungiti ko.
"Sorry na, Marou." ginagalaw-galaw niya ang balikat ko. "Promise, hindi ko na uulitin 'yon dito sa school." nagmamakaawa na siya. "Outside the school na lang." malanding bulong niya sa tenga ko.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...