"Daddy..bakit namatay si mommy?" hagulhol ko.
"Hindi niya kinaya ang pagpapanganak kay Malou, mabuti na lang at nakaligtas si Malou at healthy." maiiyak-iyak na sabi ni daddy.
Nagkulong ako sa kwarto ko buong gabi, hindi nag online, nakatulala, umiiyak. Hindi na nga ako makapagpalit ng damit e.
"Mommy.. sorry.." umiiyak ako nang umiiyak.
Hindi ko matanggap. Hindi pa ako nakakabawi sa mga pinaghirapan ni mama, hindi pa ako nakakabawi sa kaniya. Gusto ko pa maging successful para ma-spoiled ko siya sa lahat ng gusto niya pero bakit..
"B-bakit iniwan m-mo 'ko k-kagaad?" hindi na ako makakita nang maayos dahil sa luha ko. Hawak hawak ko ang litrato namin ni mama na nasa side table ko.
"M-mama.." humiga ako sa kama hanggang sa nakatulog na ako sa kakaiyak.
Nagigising ako ng madaling araw, hindi ko pa minumulat mata ko pero may luha na agad na bumabagsak sa mga mata ko.
Si mommy ang unang pumapasok sa utak ko, si mommy ang huling iniisip ko hanggang sa makatulog ako. Wala akong ibang inisip, kundi siya.
"Marou! Breakfast na raw kayo sabi ng daddy mo!" sigaw ni ate Lita habang kumakatok sa kwarto ko.
"Hindi pa po ako gutom!" ramdam na ramdam ko ang pagkamaga ng mga mata ko.
Wala akong gana kumain, ayoko rin lumabas. Maalala ko lang si mommy kapag nakita ko ang bawat sulok ng bahay namin, hindi ko pa kaya.
Dinalhan na lang ako ni daddy ng pagkain. Hanggang sa hapon na lang ulit pero hindi pa rin ako naalis sa higaan ko, 'uung suot ko na damit ay 'yung damit ko kahapon.
"Marou.." sumilip si ate Lita at pumasok sa kwarto ko. "Aalis lang ako." paalam niya.
Napalingon ako.
"Saan ka po pupunta?" nanghihina ang boses ko.
"Gorcery. Maligo ka na, Marou, utos ng daddy mo." sabi niya. "Nasa hospital siya ngayon, walang magbabantay kay Malou sa kwarto niyo kaya kita pinuntahan."
Si Malou, oo nga pala. May kapatid na ako, muntik ko na makalimutan!
Dali-dali akong lumabas ng kwarto para maligo. Habang nagpapalit ako ng damit nakita ko 'yung pamplantsya ng buhok, sinubukan kong iiwas ang tingin ko roon pero parang mas lalo lang akong nasasaktan.
Naalala ko noong mga panahon na crush ko pa si Kenneth, plinantsya ko pa ang buhok ko tapos pinagpatuloy ni mama.
Ang saya-saya pa namin noon, never ko inisip na hahantong ako sa ganito. Nauwi na lang ako sa pag iyak ulit, napaluhod ako anng maramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko.
"Mommy!!" sigaw ko habang naiyak.
Sobrang sakit ng puso ko. Pinaghahampas ko ang sahig ng kwarto ko kahit wala akong lakas. Napasandal ako sa pader at napasabunot sa buhok ko. Iyak lang ako nang iyak, hindi tumitigil ang luha ko sa pagbagsak.
Natauhan lang ako nang marinig ko ang iyak ni Malou. Agad akong tumayo at nagmadali lumabs ng kwarto, muntik pa ako madapa sa pintuan ng kwarto ko sa kakamadali, buti na lang napahawak ako sa door knob.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...