MARUPOK 22

174 11 2
                                    

"Hindi pa nga tayo e, kung ano-ano na agad iniisip mo." natatawang sagot ni Kendmar.




"Kainis ka" hinampas ko siya.




"Marou, hindi naman ako gagawa ng dahilan para mawala ka sa'kin e." malumanay na sabi niya, sinuklay-suklay niya ang buhok ko.




"Weh? Baka ngayon lang 'yan? Tapos bukas makalawa hindi ka na ganiyan." inirapan ko siya.




"Wala ka bang tiwala sa'kin?" binitawan niya ang buhok ko.




"I trust you!" inis na sabi ko. "Pero.."





"Pero ano?"




"Nevermind." huminga ako nang malaim. "Iniisip ko lang 'yung mga pwedeng mangyari." malungkot na sabi ko. "Sa mga nakikita ko kasi na couple, away-bati sila tapos hanggang sa magkakasawaan tapos maghihiwalay."




Tumawa si Kendmar. "Para kang bata pero ang cute mo."




"Umayos ka nga!" gigil na sabi ko. Nakikipag usap ako sa kaniya ng seryoso tapos ganiyan sagot niya.




"Sige na, sige na, hindi na." nakangiti na sabi niya.




Huminga ulit ako ng malalim bago magsalita.




"'Yung sa ibang couple naman, may darating na bago tapos magsasawa 'yung lalake tapos--"




"Lalake na naman? Bakit ba sa tuwing usapang sawaan, lalake ang pinagbibintangan?" Kendmar cut me off.




Umiiling-iling pa siya sa pagkadismaya.




"Kasi nga totoo naman na mabilis kayo magsawa." nginitian ko siya. Nakikita ko na naaasar siya sa topic namin.




"Pruweba?" parang nagagalit na siya.




"U-uhm..sa facebook! Marami akong nababasa sa facebook, sa mga secret files churba!" tinatapangan ko ang boses ko.




"Imbento lang 'yon, imahinasyon ng mga babae." napakagat siya sa labi niya.




"Oh? Bakit nadamay kaming mga babae? Inaano ka?" kunot noo na sabi ko.




"Kasi ang mga babae magaling gumawa ng kwento." nakangising sabi niya.




"No, we're not! Sadyang nagsasabi lang ng totoo 'yung mga girls sa secret files."




Magdedebate na yata kami sa harap ng sunset! Jusmiyo!




"Paano mo nasabe?" nang aasar na sabi niya.




"Epal ka." inirapan ko siya, nakakapagod makipag usap sa kaniya kapag ganito topic!




Napatingin ako sa kaniya nung bigla niyang hinawakan ang mukha ko, nag init ang mukha ko. Napansin niya na nataranta ako kaya tinanggal niya 'yon kaagad.




"Ano 'yon?!"




"S-sorry" natawa siya. "No touch nga pala." ngumiti siya sa'kin. "Marou tandaan mo, hindi lahat ng lalake pare-pareho."




"Gusto mo lang sabihin na iba ka sa kanila e hahaha!"




"Yah, ang epal mo. Sasabihin ko pa lang e." napakamot siya sa ulo niya at natawa na lang kami pareho.




"Alam mo ba kung ano pangarap ko?"




Kumunot ang noo niya.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon