MARUPOK 6

206 17 1
                                    

Hindi agad ako nakatulog kagabi sa sobrang excited. Sabay kami uuwi ni Kenneth mamaya! Ano kaya gagawin namin? Bubuhatin niya kaya bag ko? O kaya naman ipapaheram niya sa'kin 'yung jacket niya kasi baka mahamugan ako? O ililibre niya ako ng fishball sabay tatanungin kung pwede ako ligawan?




"Ihhhhh" tili ko sa ilalim ng unan ko habang nakadapa at salit-salitan na inaangat at binababa ang mga paa sa sobrang kilig.




Alas-nuwebe pa lang ng umaaga pero bumangon na agad ako.




"Good morning, Mommy!" masayang bati ko.




"Oh, good morning, ganda. Masaya ka ata?" sabi ni mommy habang inilalabas ang tinapay at palaman na cheeze whiz.




"Wala naman po"




"Kumusta ang school mo?"




"Okay na okay po, top 1 po ulit ako nung 2nd quarter"




"Very good!" tuwang tuwa na sabi ni mama, hinalikan niya pa ako sa noo.




Inabot niya sa'kin ang isang tinapay na may palaman na cheese whiz.




"Nak, ano nga ulit pangalan nung transferee mong kaklase na nakasalubong natin sa walter?" hinila niya ang upuan na nasa tabi ko para makaupo rin siya.




"Ah, si Ken po" sabi ko habang kumakain. Hindi naman puno ang laman ng bibig ko kaya ayos lang sumagot.




"Ang gwapo nun" nalunok ko bigla ang tinapay na kinagat ko nang hindi ko pa nangunguya dahil sa sinabi ni mama!




Umubo-ubo ako, ang sakit sa dibdib makalunok ng tinapay na hindi pa nanguya. Nataranta naman si mama at agad akong inabutan ng isang baso ng tubig.




Hinihimas niya ang likod ko habang umiinom ako.




"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni mama. Parang nastress siya bigla.




Tumango lang ako. Grabe naman kasi 'yung lumabas sa bibig ni mama.




"Dahan-dahan ka lang kasi sa pagkain" pangaral ni mama.




"Dahan-dahan ka rin po" sa mga salita.




"Huh?"




"Wala po hahahaha"




Tumahimik na si mama habang kumakain, maya-maya nagsalita ulit siya.




"Yung Ken, papuntahin mo rito ha" buti na lang tapos na ako kumain!




"Bakit po?" kumunot ang noo ko.




"Syempre para makilala ko siya, halos lahat na ng kaklase mo kilala ko na dahil nakapunta na rito. Siya na lang ang hindi, kasi diba baguhan" sabi niya habang nililigpit ko na ang mga pinagkainan namin.




"W-wag na, ma! Baka hindi rin siya tatagal sa school." inilapag ko na sa sink ang mga kutsara at baso.




"Hmm? Bakit naman?" parang nalungkot pa siya.




"Wala feel ko lang" binuksan ko na ang gripo at nagsimulang maghugas.




"Alam mo nak, gwapong-gwapo talaga ako sa batang 'yun." muntik ko na mabitawan 'yung hinuhugas ko na baso! mabuti na lang at cup 'yon, may hawakan.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon