MARUPOK 16

164 15 1
                                    

"Isabit niyo na doon" sabi ng class president sa mga boys namin.




Natapos na namin ang parol ng section namin. Ang ganda ng kinalabasan! Puro red and green ang kulay non. Tumungtong sa upuan 'yung ibang boys para maisabit sa kisame 'yung parol sa may tapat ng classroom namin.




"Ang ganda! Worth it 'yung pinagpaguran natin for two weeks!" sabi ni Thea.




Pareho kami nakasilip sa bintana, pinapanood ang mga boys na isabit 'yung pinaghirapan naming parol.




"Kapag hindi pa tayo nanalo diyan, ewan ko na lang" sabi ni Nietta, nakadagan siya sa likod ko, nakikisilip.




"Marou"




Pare-pareho kami napatingin nina Nietta kay Kendmar na may dalang turon.




"Oh" inabot niya sa'kin 'yung turon.




Wala naman akong matandaan na nagpabili ako ng turon sa kaniya kanina.




"Nagpabili ba ako?" nagtatakang tanong ko.




"Hindi, gusto lang kita bilhan." inosenteng sagot niya.




"Ang sweet!" sabay na sabi ni Nietta at Thea.



"Yieeee!"




"Baka manaba na si Marou dahil sa'yo Kendmar" sabi ni Nietta.




"Okay lang 'yun, atleast alam ko na kapag sa'kin, malusog siya." ngiting-ngiti na sabi sa'kin ni Kendmar.




Nilapag niya sa desk ko 'yung turon dahil hindi ko kinukuha sa kamay niya.




Napailing na lang ako at napangiti. Hindi ko akalain na may isu-sweet pa pala siya. Noong mga nakaraang araw palagi niya na ako sinasabayan umuwi. He's starting to be a gentleman in my front, hinayaan ko na lang siya na gawin niya 'yon. Mas nagkakasundo kami kapag ganoon.




"Bakit mo pala ako sinasabayan umuwi? 'Diba may service ka?" tanong ko kay Kendmar. Naglalakad na kami ngayon sa village na tinitirhan ko.




Lumingon siya sa'kin at ngumiti. Nakatingala ako palagi sa kaniya sa tuwing kinakausap siya, ang tangkad niya kasi.




"Sayang naman 'yung binayad mo sa service niyo kung hindi ka sumasakay?"




"Bumabalik ako sa school." simpleng sagot niya.




Mabagal lang kami maglakad kaya napansin namin na 'yung mga nasa likod namin inuunahan kami sa paglalakad.




"Huwag mo na lang kaya ako ihatid?" tumaas ang kilay niya.




"May second batch naman 'yung service namin, kaya sa tuwing bumabalik ako sa school ang naabutan ko 'yung second batch." sabi niya.




"Eh? Pwede ka naman mag commute na lang ah? Ang layo pa tuloy ng lalakarin mo pabalik." sagot ko.




Pagkahatid niya naman kasi sa'kin sa kanto pwede na siya dumiretsyo sa main gate ng village namin palabas, doon kasi ang daan palagi ng service niya.




"Wala namang refund 'yung binabayad namin, kaya sayang kung magcocommute pa ako." pinagkrus niya ang braso niya.




"Bakit mo pa kasi hinahatid, hindi naman kailangan, kaya ko naman maglakad mag isa." sabi ko. Nakaramdam ako ng guilt at kilig at the same time.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon