"Hi, mommy!" umupo ako sa damuhan katabi ni Kendmar, kaharap ang lapida ni mama.
"Good afternoon po, Tita." bati ni Kendmar at saka niya nilagay ang bulaklak at kandila sa tabi ng lapida ni mama.
"Ma, totoo ba napunta palagi rito si Ken?" sabi ko sa hangin habang natatawa.
Kumuno ang noo ni Ken at tinignan ako.
"Oo nga, ikaw kasi ayaw mo ako pakinggan." napairap siya. "'Diba, Tita?" tumingin siya sa lapida.
"Duh! Patumpik-tumpik pa kasi kayo." sagot ko. "Ma, hindi pala nila ako niloko hehe." napakamot ako sa ulo ko. "Sorry ma, naistorbo pa yata kita noon sa pag iyak ko." bigla na lang may luha na tumulo sa mata ko.
"Mahal ko po si Marou, Tita. Ipaubaya niyo na po siya sa'kin. Hindi ko po siya sasaktan." sabi ni Kendmar. "Kapag po sinaktan ko siya, dalawin niyo po ako." natatawang sabi niya.
Pareho na lang kami natawa at nag stay pa ng ilang minuto bago kami umuwi. Hinatid niya muna ako sa bahay namin at saka siya umuwi mag isa.
Kinabukasan pagkapasok namin, pasahan na agad nung short film. Mabuti na lang at ang ganda ng pagkaka edit ni Xands!
"Nice one, Xands! Good job!" pumalakpak si Nietta.
"Marou." bigla akong niyakap ni Liya. "Thank you." biglang sabi niya.
Kumunot ang noo ko.
"Para saan?"
"Kasi nagpatawad ka na." ngumiti siya sa'kin. "Ngayon ko lang na-realize na ang saya saya na ulit ng tropa natin."
"Luh, hahaha. Hindi mo naman kailangan magpasalamat sa'kin." kinurot ko ang pisngi niya. "Dapat nga sainyo ako magpasalamat eh!"
"Buti alam mo." sabat ni Rj.
"Ano ba!" hinampas ko siya. "Hindi kita kausap." inirapan ko siya.
"Luh?! Hindi rin naman ikaw kausap ko! 'Diba Junjun?" sabi niya at tumalikod sa'kin. Tsk! Kunyare pa.
"Good morning" biglang dumating si Zha.
"Wow, Zha! Ang aga mo ah! Tatlong subject nilagpasan mo?" nang aasar na sabi sa kaniya ni Paul, nilapitan niya pa talaga si Zha.
Nagkatinginan kami ni Liya at natawa. Grabe, pumasok pa talaga siya.
"At least nga pumasok pa ako e!" sigaw ni Zha sa kaniya habang binababa niya ang bag niya sa upuan niya.
"Pinapatawag daw tayo ni sir Alvin." biglang sabi ni Thea.
Napatingin kaming lahat sa kaniya.
"As in, tayong lahat?" kunot noo na sabi ni Nietta.
"Oo, tayong tropa." sabi niya.
"Bakit daw?" tanong ni Lou habang nag ddrawing.
"Ewan" nagkibit balikat siya.
"May nagawa ba tayo?" inosenteng tanong sa'kin ni Kendmar.
"Parang wala naman e." sabi ko. "I mean, wala naman talaga!" naglalakad na kami papunta sa faculty ni Sir Alvin, teacher namin sa Mapeh na nagpagawa nung short film.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...