Na-stress man ako buong araw, bawing-bawi naman ang uwian ko. Hahaha! Kasama ko na ngayon si Kenneth na nag lalakad, tuloy na tuloy na talaga kami.
"So, paano ka nakakapag basketball ng maayos kung malabo ang mata mo?" curious na tanong ko.
Ano kaya pakiramdam kapag poor eyesight ka?
"Hmm, minsan kasi ang ibang tao akala nila kapag malabo na ang mata nagiging doble ang paningin hahaha. Hindi ganoon 'yun, hindi naman kami duling, malabo lang, as in blurred." sabi niya. Mabagal lang kami maglakad. "Kaya naime-maintain pa rin namin ng maayos ang pag shoot siya sa ring. Actually, tatlo kami na malabo ang mgaata sa team namin." dagdag niya.
"Ah.." tumango-tango ako, may suot siya na cap at jacket, nag eexpect na ipapahiram niya sa'kin ang isa sa dalawang 'yon.
"Hindi ba mahirap mag basketball? Kasi ako kapag naglalaro ng basketball tuwing P.E, hirap na hirap ako hindi ko mai-shoot." isa 'to sa mga nakalista na naka-ready na kagabi pa haha!
"Mahirap, lalo na kung hindi ka physically fit." diretsyo na sabi niya.
Aray ha, parang sinasabi niya na hindi ako physically fitted! Ang sexy ko kaya! Chos!
"Mahigpit ba 'yung coach niyo?" sunod na tanong ko.
"Oo, wala namang maluwag na coach." sabi niya.
"Huh? maluwag?"
"I mean, wala namang coach na hindi strict." paglilinaw niya.
Medyo bobo ako sa part na 'yon, sorry.
Inaalala ko kung ano ang sunod na itatanong ko, nung maalala ko, kinabahan na ako!
"Uhm, may crush ka ba?" diretsyong tanong ko.
Eto na sis, eto na 'yon.
"Meron" sagot niya at ngumiti pa sa'kin!
"Sino?" nabuhayan ang boses ko. Hindi ako umaasa na ako ang isasagot niya pero umaasa na ako!
"Secret" tumawa siya. Pabitin.
"Pa-secret-secret ka pa, malalaman ko rin naman 'yan" sinubukan ko maging natural ang pakikipag usap sa kaniya. Halos scripted naman kasi lahat ng pinagsasabi ko sa kaniya kanina.
Hindi na siya nagsalita, tumingin lang siya sa moon habang naglalakad kami. Madilim na, puro poste ng ilaw at ilaw ng mga sasakyan ang nagbibigay ng liwanag sa daan.
"Ganda ng moon 'no?" sabi ko sa kaniya.
"Oo" matipid na sagot niya.
Medyo nadismaya ako.
"Mali" sabi ko.
"Huh?"
"Dapat 'Oo, kasing ganda mo' ganoon!" tumawa ako. "Joke lang" bawi ko. Nakakahiya naman kase!
Umiling-iling lang siya at tumatawa, mas lalo akong nadismaya!
Pero okay lang, crush ko naman siya e.
"Walang stars, uulan ata" sabi niya. Hay sa wakas, siya na ang unang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...