MARUPOK 39

176 10 4
                                    

"Hindi ako naniniwala sa second chance." mariin na sabi ko kay Liya.




"Pero Marou--"




"Shh!" pinutol ko na siya.




Ayoko na makarinig pa ng kahit na ano.




Ilang buwan na ang nakalipas pero ramdam na ramdam ko pa rin 'yung sakit.




"Hay nako, sorry na nga raw Marou." sabi ni Zha.




Lumingon ako sa kaniya bago ako lumabas sa gate ng school namin.




"Sorry? Panindigan nila ginawa nila." kinuha ko ang payong ko sa loob ng bag ko. "Ginusto naman nila 'yon e." binuksan ko payong ko.




"Nakaka-sad isipin na silang dalawa ni Kendmar at Nietta ang bumitaw sa tropa." malungkot na sabi ni Thea.




"Doon na nga sila kila Rudolf nakikisama e, pero mukhang hindi sila mag ka-vibes!" sabi ni Rj habang pinapayungan si Liya.




Ang init-init naman kasi! Tanghaling tapat na uwian ngayon, parang last year lang papasok pa lang ako tuwing tanghaling tapat e!




"Gosh, hindi pa rin ako maka move on na hindi natuloy ang open forum natin nung April!" inis na sabi ni Thea. "Wala na nga ako nung open forum natin nung first year highschool e. Third year na lang tayo hindi pa rin ako nakaka attend." bumuntong hininga siya.




"Sisihin mo si Ken at Marou!" tumawa nang malakas si Junjun.




"Kung ihampas ko kaya sa'yo 'tong payong ko?!" inis na sabi ko sa kaniya. Umakto pa ako na susugurin ko siya.




"Sige, kapag nasira 'yan walang sisihan ah!" tumatawa pa rin siya, napailing-iling si Xands sa pinag sasabi ni Junjun.




Hindi na natuloy ang open forum namin dahil nga.. sa'min. Dapat itutuloy 'yon pero ayoko umattend, simula noon bumitaw na si Nietta at Kendmar sa tropa. Nag leave pa nga sa gc namin e, tsk.




"Diyan na sila.." bulong ni Lou na kakalingon lang sa'min, napatingin kami kung saan siya nakatingin kanina.




Nakita namin si Kendmar at Nietta, magkasama.




"Tanginang 'yan, nagawa ka talagang iwan ni Nietta para sa lalake 'no?" sabi sa'kin ni Paul. "Sa ex mo pa talaga." natawa siya ng kaunti.




"Ang tawag doon pre, sagip kapamilya!" sabi ni Junjun habang tumatawa at hinahampas-hampas ang balikat ni Paul.




Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, iniwas ko ang tingin ko kina Ken. Naiinis lang ako sa kanila. Sa tuwing nakikita ko sila, naaalala ko lang 'yung araw na naging bruha ako sa loob ng classroom namin sa sobrang pagkabroken!




"Aray!" reklamo ko nang biglang kinurot ni Liya ang tagiliran ko at natataranta na nakatingin sa direksyon nung mga manloloko.




"Uy gagi, lalapit sila rito!" natataranta na sabi ni Junjun.




Napalingon na naman tuloy ako, papalapit nga sila sa'min!




"Alis na ako" mabilis na sabi ko.




"Huwag." pigil sa'kin ni Zha. "Magmumukha ka lang affected kapag umalis ka." bulong niya sa'kin.




"Affected pa rin ako." tumalikod na lang ako para hindi sila makita, kunwari nag ce-cellphone.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon