Buong araw ako nastress sa sobrang selos. Ewan ko ba! Pinipigilan ko naman sarili ko pero ayaw magpapigil ng traydor kong puso!
"Babe, ano bang problema? Kanina ka pa ganiyan? Nireregla ka ba?" sunod-sunod na sabi sa'kin ni Kendmar.
Binibilisan ko ang lakad ko. Pagkatapos namin kanina mag P.E hindi ako umupo sa side namin, umupo ako sa tabi nina Thea. Tinanong pa ako ni Nietta kung bakit doon ako nakaupo, sinabi ko na lang na gusto ko mag pahangin, mabuti na lang at sa side talaga nina Liya nakapwesto 'yung wall fan!
"No, kakatapos ko lang last week" sagot ko.
"Hindi mo naman sinasagot tanong ko e" parang iiyak na siya. Nahahabol niya ang paglakad ko dahil mahaba ang biyas niya!
"Tinanong mo 'ko kung nireregla ako diba? Sumagot naman ako ah."
Hinila niya ang palapulsuhan at hinarap ako sa kaniya.
"'Diba sabi ko kung may problema, pag usapan natin." ang lungkot nf itsura niya.
"Wala naman akong problema kaya wala tayong pag uusapa--"
"Meron" seryoso na siya. Binitawan niya ang kamay ko at sinuksok sa pants niya, nag iintay ng sasabihin ko.
"Fine, pakiramdam ko kasi nagseselos ako--"
"Huli ka!" tumawa siya nang malakas, tinuro niya pa ang pagmumukha ko.
Mas lalo siyang tumawa nung hinampas ko siya. "Bahala ka nga dyan!" padabog akong naglakad palayo sa kaniya.
Napatingin pa ako sa ilang tao na napatingin sa'min sa pag sigaw ko, napayuko ako sa kahihiyan.
"Marou! Babe!" naririnig ko ang yapak ng paa niya sa likod ko. "Sorry! Sino ba kasi pinagseselosan mo?" napahinto ako sa paglalakad.
Kumunot ang noo ko. Seryoso?! Hindi niya alam?! Pinagkrus ko ang braso ko sa harap ng dibdib ko at lumingon ako sa kaniya.
"Hindi mo alam?" tinaasan ko siya ng kilay.
"H-ha? Hindi naman ako mag t-tanong kung alam ko." napakamot siya sa ulo niya.
Hinubad ko 'yung sumbrelo na suot ko na binigay niya at hinampas sa dibdib niya.
"Ayan! Ibalik mo sa'kin 'yan kapag alam mo na!" tinalikuran ko siya at naglakad na ulit.
"Si Nietta" sabi niya at sinuot ulit sa ulo ko ang sumbrelo.
"Alam mo naman pala." bulong ko.
"Gusto ko kasi na sa'yo mismo manggagaling, paano na lang kung mali pala 'yung iniisip ko." paliwanag niya.
"Tsk. Okay, okay!" pagsuko ko. "Nagseselos ako sa kaniya kanina, simula nung first subject na naglinis tayo hanggang sa last subject natin na P.E" naningkit ang mga mata ko.
"Babe, 'wag ka na magselos. Nagkataon lang naman na magkapartner kami sa sayaw e. 'Yung nalaglag siya tapos nasalo ko siya, aksidente lang 'yon." hinawakan ni Kendmar ang kamay ko, hindi ako tumitingin sa kaniya. "Ikaw pa rin ang mahal ko."
Napangiti ako bigla, ano ba 'yan! Gusto ko pa nga magpasuyo e, hmp!
"Talaga?" I sounded happy! Ang rupok ko! "Kahit mas malambot kamay niya kaysa sa'kin?" tinaasan ko siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...