Selos? Bakit ako magseselos? Ano ko ba siya? Ano niya ba ako? Classmate. Right. Tyaka totoo naman na delikado makipag usap sa mga strangers 'no!
"Nak, paabot nga ako nung remote ng TV" utos sa'kin ni mama.
Malaki na ang tyan niya ngayon, nakakaloka nga na 6 months na pala siya buntis pero last week lang nalaman! Kaya pala nahihilo-hilo siya at tumataba. Sabagay, meron nga nag viral noon na nalaman lang na buntis nung manganganak na e, weird.
"Baby!!" sabi ko habang hinahawakan ang tyan ni mama, nilagay ko pa ang tenga ko doon para marinig ko ang pagsipa niya.
Sobra akong natuwa nung sumipa nga siya! Sa wakas, eto na talaga, magkakaroon na ako ng kapatid!
"Kumusta ang school mo?" tanong sa'kin ni mama habang hinihimas ang ulo ko na nakapatong sa tyan niya.
Bumangon ako at umayos sa pagkakaupo. "Okay lang naman, ma" ngumiti ako sa kaniya.
"Eh 'yung lalake na sinasabi ko sa'yong papuntahin mo rito, asaan na?" natatawang sabi niya.
"Nasa bahay po nila" tumawa ako. "Joke lang, okay lang naman po, medyo nagkakasundo na kami" ay, hindi ko sure.
"Ay wow! Mabuti naman! Hindi ka na pinagtitripan?" tuwang tuwa na sabi ni mama.
"Pinagtitripan pa rin po, pero hindi na ako masyadong naiinis katulad nung dati, nasanay na po ako e."
"Diyaan nagsisimula 'yon, kapag nasanay, magkakamabutihan tapos magiging magkaibigan hanggang sa maging mag--"
"Ma!" inis na sabi ko.
Ayoko marinig ang sasabihin niya, pakiramdam ko mamumula na naman ako e.
"Oh, bakit?" natatawang sabi niya. "Lika nga rito" tinaas niya ang kamay niya, yakapin ko raw siya. Nakaabay siya sa'kin habang nakapatong ang ulo ko sa balikat ni mama.
"Alam mo, Nak. Unang kita ko pa lang sa kaklase mong 'yon, ang gaan na agad ng loob ko sa kaniya." napatingala ako sa kaniya habang nakayakap.
"Baka anak mo rin siya, ma"
"Ha? Loyal ako sa papa mo." nakangiting sabi niya.
"Hindi ko naman po sinabi na may kabit ka." tumawa ako.
"Gusto mo lang ibahin ang topic e"
"Hindi po ah"
"Gusto ko 'nak, bago pa ako manganak makita ko na siya rito sa bahay ha?"
"Bakit po? Paglilihian mo ba?"
"Hindi, gusto ko lang siya makita. May something kasi sa kaniya na gustong-gusto ko. Mukhang mabait siya na bata, responsable, gentleman, mapagmahal, maalaga--"
"Walang perpekto na lalake, ma" lahat na ng magagandang katangian sinabi niya na e!
Puring-puri si Kendmar sa mama ko ah. Ano ba nakita niya kay Kendmar bakit siya nagkaganito.
"Pero ginagawa ng isang lalake ang lahat ng tama kapag malinis ang intensyon sa'yo." sabi ni mama, sinusuklay niya ang buhok ko.
Naalala ko tuloy si Kendmar na sinabi niya rin 'yan. 'Malinis 'to ah, kasi malinis din ang intensyon ko sa'yo'
"Ma, paano ba malalaman kapag malinis ang intensyon ng isang lalake?" biglang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...