MARUPOK 44

177 8 3
                                    

"Ang rupok rupok mo!" tumawa nang malakas si Junjun habang nakain ng hotdog.




"Okay lang maging marupok, huwag lang maging kabet!" sabi ko.




"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa second chance.." natatawang sabi ni Paul.




"Sisipain na kita!" inis na sabi ko.




Tumakbo agad siya palayo sa'kin.




"Huwag po, bata pa po ako." emosyonal na sabi niya, niyakap pa niya sarili niya.




Bwiset! Bakit ba sila ganiyan?! padabog akong umupo sa tabi ni Thea.




"Ano amoy nung bulaklak? Mabango ba? Amoy Kendmar ba?" nakangising tanong sa'kin ni Xands.




"Amoy bulaklak syempre! Kung ano-ano sinasabi mo diyan." padabog kong binagsak ang tambler ko sa lamesa.




"Sasapakin na kayo ni Kendmar mamaya kapag nagsumbong si Marou." sabi sa kanila ni Zha.




Umupo ulit sina Paul nang maayos.




"Ang tagal naman nila bumalik." sabi ni Lou.




"Kalalakeng tao, ang tatagal mag CR!" reklamo ni Zha habang nakain ng spaghetti.




"Dalawa lang naman sila 'diba? Si Rj tyaka si Ken?" mahinhin na sabi ni Liya.




"Bakit kasi kailangan dalawa pa sila e, may lock naman 'yung banyo!" iritang irita na si Zha.




Kanina pa 'yan highblood!




"Siguro 'yung isa taga hawak." mahinang sabi ni Paul pero sapat na para marinih pa rin namin.




"Luh! Bastos ka, pre!" siniko siya ni Junjun at lumayo sa kaniya na parang nandidiri.




Napatingin si Paul sa hotdog na kinakain ni Junjun at bigla siyang tumawa. Napailing na lang ako.




"Lou, bad influence talaga 'tong gagong 'to. Pagsabihan mo nga!" parang bata na nagsusumbong si Junjun.




Natawa lang si Lou.




"Bakit nga ulit absent si Nietta?" tanong ulit sa'kin ni Lou.




"Kasama kasi siya para maireklamo ng maayos si Angel, tapos nasa phone niya rin 'yung screnshots kaya need niya sumama." paliwanag ko.




"Buti sa DSWD lang bagsak niya, hindi sa kulungan." umiiling na sabi ni Paul.




"She's bad, dapat lang siya maturuan ng mga taga DSWD." sagot ni Thea.





"Sarap sa pakiramdam!" biglang sabi ni Rj. "Ang umihi!" kasama niya na si Ken.




"Hoy! Bibig mo! Nasa canteen e." pinagalitan ng tindera si Rj.




Pare-pareho kaming napayuko at nagpipigil ng tawa, mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa si Rj noong pinagalitan siya.





"Ken, bunibully ng mga 'yan si Marou." tinuro isa-isa ni Zha sina Paul, Xands at Junjun.




"Hala, hindi ako kasali!" depensa ni Xands, lumapit pa siya kay Ken.




Tumawa lang si Kendmar at tumabi siya sa'kin.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon