MARUPOK 40

156 10 2
                                    

"Practice mamayang uwian." sabi ko.




"Practice ulit?" bulong ni Kendmar. "Sige." nakita ko pa siya na naglakad papalapit kay Nietta.




Tumalikod agad ako, araw-araw na lang ba ako makakaramdam ng kirot sa puso ko?




Ilang oras ang lumipas at nag uwian na, nag practice pa kami ng kaunti nung time ng English.




Nagtatawanan kami nina Kristel, sa sobrang likot namin naitulak nila ako. May naramdaman na lang ako na may naapakan ako.




"Aray!" inda ni Ken, napaupo siya sa sahig.




"Omyghad! Sorry!" naapakan ko 'yung daliri ng paa niya! Umupo na rin ako para mapantayan siya.




"Sorry, sorry" natataranta na sabi ko.




Kumunot ang noo ko noong bigla siyang tumingin sa'kin at tumawa! Ano 'yon?! Nag kunwari lang siya na nasaktan?!




Tumayo ako sa inis! sinipa ko pa ang binti niya nang mahina.




Natapos na kami mag practice kaya umalis na sina Kristel, kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa simentong upuan.




"Marou" napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses niya.




"Bakit?" hindi ko siya nililingon habang sinusuot ko ang backpack ko.




"Sorry." seryoso ang boses niya.




Lumingon ako sa kaniya.




"Sorry na naman? Hindi ka ba napapagod mag sorry?" kunot noo na tanong ko.




"Hindi." diretsyong sagot niya.




Napailing na lang ako at tinalikuran ko na siya.




"Hey, Marou" humarang si kutong lupa sa daanan ko.




"Ano na naman?" masungit na sabi ko sa kaniya.




"Pwede ba makinig ka muna sa'kin?" seryosong sabi niya. "Marou naman, hindi ka namin niloko."




"Ha? Ano? Wait, nabingi ata ako" natatawa na sabi ko sa kaniya.




"Marou" hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko 'yun binawi sa kaniya.




"Don't touch me" inis na sabi ko sa kaniya. "Saan ka nakakakuha ng lakas ng loob na kausapin ako matapos niyo ako lokohin, ha?"




"Hindi kita niloko" nakatingin lang siya sa mga mata ko, iniwas ko ang tingin ko. Hindi ako pwede bumigay!




"Huwag mo 'ko gawing tanga" nararamdaman ko na parang may bumabara sa lalamunan ko.




"Marou, please." may namumuong luha sa mga mata ni kutong lupa.




"Tumigil ka na, Ken"




"Hindi ako titigil hangga't hindi ka naniniwala sa'kin. Maghihintay ako Marou, maghihintay ako."




"Wala ka naman mapapala sa paghihintay mo." nararamdaman kong kumikirot na naman ang puso ko.




"Papatunayan ko sa'yo na hindi kita niloko." pagpupumulit niya.




"Marou--"




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon