"Anong nangyare?" napahawak ako sa pader na katabi ko, pagod na pagod ako sa kamamadali papunta rito sa hospital.
Nakaupo si Angel sa waiting chairs, nakasandal ang ulo sa pader.
"Ayun, nahimatay raw kasi kulang sa tulog, stress, iyak nang iyak, malungkot." walang gana na sagot ni Angel sa'kin.
Hindi ako nakaimik, parang na-gui-guilty ako sa nangyare sa kaniya.
"Kumusta na siya ngayon?" umupo ako sa tabi niya.
"Nagpapahinga, ayaw niya na may kasama siya sa kwarto niya kaya nandito ako sa labas." napapailing siya.
"Parents niya?"
"Ayaw niya ipaalam sa parents niya." mabilis na sagot niya.
Walang paalam akong tumayo at pumasok sa kwarto ni Nietta. Nilapag ko kaagad ang bag ko sa side table. Nakita ko siya na nakaupo sa kama.
"Marou.." nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako.
Kumunot ang noo ko, umiyak na naman siya.
Inis akong lumapit sa kaniya.
"Bakit ka ba umiiyak?!" nasa harapan niya na ako. "Tignan mo nangyare sa'yo!" pinapagalitan ko siya.
"Sorry, Marou." nayuko siya at napatakip sa mukha habang umiiyak. "H-hindi ko naman g-ginusto e.." nilapit niya ang kamay niya sa'kin at nilagay sa braso ko.
Namamaga ang mga mata niya.
"Si Angel.." humihikbi siya. "Si Angel nag utos sa'kin." humagulhol na siya.
"H-huh?" hindi ko siya maintindihan, anong sinasabi niya?!
Inangat niya ang ulo niya sa'kin, lumingon siya sa pintuan na parang kinakabahan pa siya.
"Anong inutos?" tinaasan ko siya ng kilay.
"'Yung ginawa--"
"Marou" biglang pumasok si Angel. "Kailangan ng pahinga ni Nietta, huwag mo naman istorbohin, umiiyak na naman oh." tinuro niya si Nietta.
"Angel stop! Ayoko na!" nagulat ako sa sigaw ni Nietta. "H-hindi ko na k-kaya! Sasabihin ko na ang totoo! Wala na akong pake sa pwedeng mangyare!" sigaw niya kay Angel.
Mas lalo akong naguguluhan sa kanilang dalawa. Napatingin ako kay Nietta na galit ang itsura habang si Angel humihinga nang malalim, nagpipigil ng galit.
Tumingin sa'kin si Angel. "Marou, pwede mo muna ba kami iwan? May pag uusapan lang kami." kalmado na sabi niya.
"No, Marou, dito ka lang." pigil ni Nietta habang nakatingin pa rin ng masama kay Angel. "Pinsan ko si Angel."
Napahawak ako sa bibig ko sa gulat. Mag pinsan sila?! Hindi ako nagsalita, iniintay ko lang ang sunod na sasabihin niya.
"Alam din 'to ni Kendmar." tinatapangan ni Nietta ang boses niya.
"Kapag tinuloy mo 'yan, Nietta, alam mo na mangyayare." nakangising sabi ni Angel.
"Hoy?! Anong pinagsasabi mo?!" sigaw ko kay Angel. "'Diba ikaw ang nag udyok sa'kin na kausapin si Nietta?"
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...