Nakakainis talaga 'yung kutong lupa na 'yon. Recite pa siya nang recite! Halos magkasagutan na nga kami kasi lahat ng sinasagot ko sa teacher ay mali para sa kaniya. Kulang na lang mag debate kami.
"Mukhang may makakatapat ka na ngayon, Marou" sabi ni Nietta.
Nandito kami ngayon sa bahay nila. May group activity kasi sa MAPEH kaya naman magkakasama ulit kaming mag totropa.
"Asan si Rj?" tanong ko kay Junjun.
"Ewan, mamaya pa yata darating 'yun e" sagot niya sa'kin habang nakahawak ang isang kamay sa pader at 'yung isa naman niyang kamay sinusuklay ang buhok.
"Sina Paul?"
"Parating na raw."
"Kanina pa 'yang otw na 'yan ah? natapos ko na lang 'yung episode 1 ng meteor garden wala pa rin sila" reklamo ko.
8 ng umaga ang usapan e.
Hindi kami matatapos nang maaga nito kung babagal-bagal sila kumilos. Daig pa nila kaming mga babae sa bagal nila.
Ang nakakainis pa kagrupo rin namin si suplado slash kutong lupa!
Dapat kasi 12 ang members sa bawat grupo, eh 11 lang kaming mag totropa at sakto 12 na 'yung ibang grupo. Ayan tuloy, sa'min pa siya napunta.
"They're so tagal naman. I'm running out of patience." walang gana na sabi ni Thea habang nakahilata sa sofa.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagchat na sa gc namin.
Maroupok: ANG TATAGAL NIYO NAMAN ANONG ORAS NA OH.
Pauly Miguel Villanueva added Kendmar Richer Gonzales to the group.
Kendmar: typing..
Kendmar: It's already 9:56 AM.
Maroupok: Pilosopo!
AntoNyeta: typing..
AntoNyeta: Chill ka lang gurl.
Paul: typing..
Paul: Malapit na kami. Sorry, Marou. May dala naman kaming hopia, your favorite.
Zha: typing..
Zha: Good, hopiang-hopia na kami na darating pa kayo.
Zha: Mga stupid turtles.
Binatawan ko na ang cellphone ko, ayaw ko makisali sa nalalapit nilang away 'no. Tyaka ayoko makausap 'yung kutong lupa na kendmar na 'yon. Ma-stress pa ako lalo.
"Thea, sa tingin mo ba seryoso sa'kin si Rj?" tanong ni Liya.
"I don't know. I'm not him." mabilis na sagot ni Thea.
Matagal na may something kay Rj at Liya, si Liya parang ayaw naman kay Rj. Mabait naman si Rj, maalaga, gentleman, mapang asar nga lang at higit sa lahat mukhang dota!
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...