Halos gusto ko na sabunutan si Thea sa sobrang inis ko sa nakikita ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang sasababog na sa galit.
"Marou, kalma.." bulong sa'kin ni Thea.
Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko simula pa kanina, at hindi man lang ako kinausap o kinamusta ni Kendmar.
Mag uuwian na lang, lugmok na lugmok ako at parang nanghihina na naman ako katawan ko.
"Ken." tawag ko sa kaniya nang maabutan ko siya sa pintuan.
Lumingon siya sa'kin pati si Nietta. Tinapunan ko pa ng tingin si Nietta pero umiwas siya ng tingin.
"Marou..okay ka na?"
"Mag usap tayo sa labas." masungit na sabi ko.
Hindi ko na hinantay ang sagot niya at dumiretsyo na ako sa paglakad, nilagpasan sina Lou.
"Marou, Sorry-"
"Ngayon ka pa talaga mag sosorry?" parang may bumabara na kaagad sa laalmunan ko. "Kung kailan uwian na?"
Nasa labas na kami ng school, ang daming estudyante ang dumadaan sa likuran namin. Nasa gilid lang naman kami ng daan.
"Eh kasi Marou natatakot ako na--"
"Duwag ka." nararamdaman ko na lang na may namumuo na luha sa mata ko. "Hindi mo man lang ako inisip! Hindi mo man lang ako kinamusta!" tuluyan nang pumatak ang luha ko.
Hahawakan niya sana ako pero umiwas agad ako.
"Alam mo kung ano ang mas nakakainis? 'yung ginagawa niyo ni Nietta!" nararamdaman ko na pinagtitinginan na kami ngayon.
Tumakbo ako palayo sa kaniya habang umiiyak.
Naiinis ako sa sarili ko, araw-araw na lang ba ako iiyak?
"Marou! Wait, listen to me!" hinila niya ako. "Mali 'yung iniisip mo--"
"Anong mali?! May pa role play role play pa kayo kahapon tapos magkatabi pa kayo kanina! Hindi niyo ba ako nakikita?!" sigaw ko sa kaniya.
"Marou--"
"Girlfriend mo 'ko.." nag iiba na boses ko sa kakaiyak. "Pero bakit ka ganiyan?"
"Marou, mag eexplain ako. Pakinggan mo muna ako." hinawakan niya ang kamay ko.
Umiiling-iling lang ako habang nakayuko, hindi ako nakatingin sa kaniya.
"Sabi mo mahal mo 'ko." inayos ko ang pagsasalita ko. "Pero bakit hindi ko na maramdaman 'yun ngayon?" magsasalita sana siya pero pinutol ko ulit. "Tatlong araw ako wala at may sakit, hindi mo man lang ako binisita tapos pagbalik ko hindi mo pa ako kinamusta at 'yung pinagseselosan ko pa ang kasama mo. 'Yun ba ang pagmamahal?" sunod sunod na sabi ko.
Natigilan siya, dahan-dahan niya binitawan ang braso ko.
"S-sorry." yumuko siya. "Hindi ko inisip ang nararamdaman mo, sabihan mo na ako ng mga masasakit na salita, tatanggapin ko. Alam kong nagkamali ako na hindi kita binisita pero may rason ako kung bakit." tumingin siya sa'kin ng diretsyo. "Napapansin ko na iniiwasan mo 'ko at galit ka sa'kin, sa tuwing tinatanong kita kung anong problema hindi ka sumasagot maliban lang sa pinagseselosan mo si Nietta. Binigyan lang kita ng space."
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...