"Sa kusina" diretsyo na sabi ko. Pinagkrus ko ang braso ko sa harap ng dibdib ko.
Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko, ano bang meron?
"Okay, good--what?! Bakit sa kusina?! Bakit hindi na lang sa living room?"
nasstress na sabi niya."Ano ba nangyayare sa'yo?!" natatawa na sabi ko. "Syempre sa kusina, nandoon 'yung lamesa. Doon ako nag aaral palagi." paliwanag ko, hinawakan ko pa ang isang balikat niya para makumbinsi siya.
"A-ah, oo nga pala." nahihiya siyang tumatawa at napakamot sa ulo.
Uwian na kaya hinatid na ulit ako ni Kendmar.
"Si Xands, bakit hindi pa rin pumapasok?" tanong ko kay Kendmar.
"'Yun nga rin ang pinag uusapan namin kanina nila Paul e, wala kasi siyang paramdam sa gc natin."
Hindi ko napansin na wala palang paramdam si Xands kahit sa social media, hindi kasi ako active these past few days, busy kasi ako para sa darating na exam.
"Chinat ko na nga 'yon e, pero walang reply." umiiling na sabi niya.
Bitbit ni Kendmar ang bag ko dahil ang bigat, may laman kasi 'yon na clearbook kung saan nakalagay ang mga outputs ko. Kinokolekta kasi 'yon ng mga teacher bago mag exam.
"Kung kailan naman mag eexam tyaka siya umaabsent." comment ko. "Mabigat ba?" sabi ko sa kaniya sabay turo sa bag ko.
"Hindi, 'yung akin, mabigat ba?"
Umiling ako. Nagpalit kami ng bag para fair, ayoko naman siya gawin na tagabitbit ko kaya pinilit ko talaga siya kanina na ako na ang magbubuhat sa bag niya.
"You look cute sa pink na bag ko." natatawa na sabi ko.
"You're still beautiful sa brown na bag ko." banat niya.
Halos napalakas ang hampas ko sa kaniya sa kilig. Nakakainis naman kasi! Banat nang banat!
Napahinto ako sa paglalakad nang may nakita ako na isang pamilyar na lalake na nakaupo sa gilid ng kalsada, medyo malayo pa kami sa kaniya pero naaaninag ko ang mukha niya. Maliwanag ang side kung nasaan siya, may mga nagluluto kasi roon ng mga fishballs.
"Si.." napahinto si Kendmar sa paglakad niya at napalingon sa'kin. "Si Xands ba 'yon?" hindi ko inaalis ang tingin ko sa lalake na nakaupo.
"Saan?" lumingon si Ken kung saan ako nakatingin. Inurong niya pa ang ulo niya paabante para tignan ng mabuti.
"Lapitan nga natin." hinila ko siya. Dahan-dahan lang kami naglakad papunta sa kaniya.
Agad ako napahinto nung lumingon siya sa'min! Si Xands nga!
"Xands?" takang-taka na sabi ni Kendmar.
Gusgusin ang suot na damit ni Xands kaya pareho nakakunot ang noo namin ni Kendmar. Naubusan ba siya ng damit?
Nagulat si Xands nang humakbang si Kendmar papunta sa kaniya. "Baki--" Naputol ang pagsasalita ni Kendmar nang biglang tumakbo si Xands palayo sa'min.
"Xands!" sigaw ni Ken. Nagulat naman ako nung tumakbo rin si Kendmar para sundan siya.
What the! Iniwan ako rito! Natanaw ko na lang na nakatayo na lang si Kendmar at tumingin-tingin sa paligid na parang nahihilo na at napahawak sa ulo niya. Tumakbo agad ako para puntahan siya.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...