Days passed. Wala akong ibang ginawa sa christmas break kundi ay asikasuhin ang mga kamag anak namin na bumisita sa bahay dahil nga buntis si mama. 'Yung side ni mama ang unang bumisita, three days sila nag overnight dito. Tapos sumunod agad 'yung sa side ni daddy, three days din nag overnight. Pati 'yung kasambahay na kinuha ni daddy pinag bakasyon niya muna. Kahapon lang nawalan ng ibang tao rito sa bahay at kami-kami na lang ulit nila mama ang nandito.
"Merry christmas!" sabi ni mama. It was already December 25.
Kinain na namin ang mga handa sa Noche Buena. After that, nagpahinga na kami dahil pare-pareho kami puyat. Si Mommy, bawal siya mag puyat masyado, makakasama kay baby.
Kinuha ko ang cellphone ko para i-greet ang mga friends ko at syempre si Kendmar. Nagbackread ako sa gc namin, nagsend sila ng photos ng mga handa ng family nila. I typed 'Merry Christmas! I miss you all' at pumunta ako sa chat box namin ni Kendmar.
Kendmar: Merry Christmas, bebe! <3 I
miss you!Marou: Merry Christmas din ^_^ I miss you too!
Marou: kamusta pasko mo?
Kendmar: typing..
Kendmar: masaya
Kendmar: typing..
Kendmar: nakausap na kita e.
Luh, parang ewan. Napangiti ako habang nag ce-cellphone. I was about to type something but I immediately put down my phone beside me when I saw daddy staring at me.
"Bakit ka nakangiti?" tanong ni daddy habang may hawak na kape.
"Ka-chat ko po friends ko." ngumiti ako sa kaniya para hindi niya mahalata.
"Friends mo o si Ken?" tumabi siya sa'kin.
"Hmm, pwede both?" tumawa ako ng slight. Hindi ko na na-replyan si Ken.
"Gusto ko makilala ng lubos 'yang Ken mo." napataas ang kilay ko.
Tama ba ang narinig ko? O nabibingi lang ako?
"Bago ako bumalik sa trabaho ko, gusto ko siya makasama kahit isang araw lang." sabi ni daddy.
"Pero nakita mo naman na siya noong nakaraan 'diba?"
"Isang beses ko pa lang siya nakikita tapos nahuli ko pa kayo." natatawa na sabi ni daddy.
"Daddy!" inis na sabi ko. Humigop siya ng kape sa baso na hawak niya bago ulit siya magsalita.
"Bilang tatay mo, gusto ko makilala ang mga taong nakapaligid sa'yo. Katulad na lang nina Nietta, halos dalawang taon na rin kayo magkakasama diba. Kapag kilala ko ang mga tao na nakapalibot sa'yo, hindi na ako nag aalala pa. Kasi sigurado na ako na okay ka sa kanila." sinuklay-suklay niya ang buhok ko.
Napangiti ako, hindi ko alam ang isasagot ko. Para akong nawawalan ng idea kung ano pwede kong sabihin sa kaniya. Tinanggal ni daddy ang kamay niya sa buhok ko.
"Pwede ba siya bukas?" tanong niya.
"Bukas po?" nagtataka na sabi ko. "Bukas o mamaya?" naguguluhan na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...