MARUPOK 33

142 11 0
                                    

"1, 2 and 3 and 4, Edwin naman umayos kayo diyan!" stress na sabi ng president namin.




Napalingon ako kina Edwin na nagtatawanan, nagpapractice ng chacha tapos nagtatawanan! Kapikon.




"Kung ayaw niyo umayos hindi na tayo mag peperform!" galit na si President. "Gusto niyo 'yon?!"




Natahimik kaming lahat. Tinanggal tuloy ni Lou ang kamay niya sa bewang ko. Hays, hindi pa rin ako maka get over na bantay-sarado ni sir ang bawat partners at wala talaga sa'min ang nakipagpalit sa iba!




"Continue! Hindi tayo titigil hangga't hindi napeperfect 'yung steps na hanggang gitna ng music ah!" sigaw niya ulit, may binulong pa siya. "Umayos kayo kung ayaw niyo ulit na mag mention ako ng pangalan." nagsimula na ulit kami.




Good thing, nakatalikod ako sa side nina Kendmar kaya hindi ko sila nakikita ni Nietta kung nagtatawanan ba sila, komportable ba sila o nabubwiset na si Nietta kay Kendmar, mga ganoong bagay.




"Bakit kasi sabay-sabay mag bigay ng gawain mga teacher e." inis na sabi ni Lou habang nakahawak siya sa bewang ko at nakapatong ang isang kamay ko sa balikat niya. "Pinayagan nga tayo i-extend 'yung performance natin pero ang dami namang papers na pinapagawa." iritado na sabi niya.




Umikot muna ako dahil may step na ganoon bago ako sumagot sa kaniya.




"Lou, naalala mo ba noong January? Wala pa tayo sa kalagitnaan ng fourth grading pero tinatambakan agad tayo, ngayon pa kayang nasa kalagitnaan na tayo?!" bumalik ulit ang kamay ko sa balikat niya at kamay niya sa bewang ko.




"Oo--"




"Lou! Marou! Ano ba!" napalingon kami sa sigaw ni president, shaks!




Natahimik ang lahat at pinatay na naman ang sound, lahat na sila nakatingin sa'min ngayon.




"Daldalan nang daldalan e! Hindi na kayo nakakasabay sa countings!" napahawak siya sa ulo niya.



"Sorry, Pres!" sigaw ni Lou.




"Kairita e!" hirit pa ni President. "'Yung mga ayaw nga mag practice umuwi na lang!" inalis niya na ang tingin niya sa'min at uminom saglit ng tubig.




Kinabahan ako roon ah! Hindi na ako lumingon pa sa kahit saan, nakatitig na lang ako sa blue t-shirt na suot ni Lou. Nakakahiya e.




"Sa makalawa na nga 'tong performance na 'to ayaw pa magsitino." sermon ulit ni President.




Nagsimula na ulit kami mag practice, hindi na ulit kami nagdaldalan ni Lou baka masigawan na naman kami e.




Napansin ko lang na karamihan sa'min ngayon palaging highblood! Paano ba naman, ang daming gawain! Mas nasstress pa president namin dahil hawak niya kaming lahat.




Nang matapos kami mag practice nakahinga na ako nang maluwag.




"Grabe si Pres kanina, minention talaga kayo." umiiling na sabi ni Nietta.




"Hayaan mo na, kasalanan din naman namin." sabi ko habang kinukuha ang tambler sa bag ko.




"Okay ka lang?" biglang sumulpot si Kendmar sa gilid ko.




"A-ah, oo." sagot ko at uminom ako ng tubig.




Kinabukasan halos hindi na kami makapag usap ni Kendmar dahil buong araw puro practice ng sayaw! Kundi sayaw, ay sabayang pagbigkas naman! Kapag naman pinapayagan kami ng ibang teachers na mag practice, tatambakan naman kami ng written outputs!




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon