MARUPOK 30

136 9 0
                                    

"First girlfriend kita." sabi ni Kendmar habang magkahawak ang mga kamay namin.




Kanina pa ako nakatitig doon habang naglalakad kami.




"Ako rin, first din kita!" ang harot ng boses ko.




"Weh? First mo 'ko? Wala ka naging boyfriend dati?"




Napahinto ako sa sinabi niya.




"U-uh, ano, m-meron pero--"




"Edi hindi ako 'yung una." parang magtatampo pa siya.




"Pero immature pa kami noon! Hindi pa namin alam ang ginagawa namin." paliwanag ko. "H-hindi ko nga siya sinagot pero bigla na lang kami naging magjowa." napakamot ako sa batok ko.




"Ha?! Pwede ba 'yon?!" gulat na gulat siya.




"Hindi syempre! Pero kasi bigla na lang--"




"Niligawan ka ba niya?"




"Hindi rin kasi--"




"Sana all bigla ka na lang nagiging jowa." tumawa siya nang hampasin ko siya.




"Kainis ka! Hindi ko naman siya ikino-consider na FIRST BF ko." inirapan ko siya. "Fling pwede na." ako naman ang tumawa.




"Ha!" he smirked. "Meron din ako niyan."




"What?! Sino?!" naningkit ang mga mata ko.



"Joke lang" tumawa siya.




"Tsk!"




"Ano na lang pangarap mo? 'Yung seryoso ah."




"Marami."




Huminto siya sa paglakad niya at humarap sa'kin.




"Marami ba ako?"




Hinampas ko siya nang mahina sa sinabi niya, natawa ako.




"Sabi mo 'yung seryoso tapos ikaw naman 'yung hindi seryoso." inirapan ko siya.




Kung ano-anong banat din ang pinagsasabi niya hanggang sa nakauwi na ako. Nag online ako saglit at nakita ko na ang ingay ng group chat naming magtotropa.




Kumunot ang noo ko.




Thea sent a video.




Clinick ko 'yun at pinanood.




Omyghad! Video namin ni Ken kanina sa school! Ang ingay nung vid dahil sa kanta at tilian ng mga kaklase namin, nakatalikod ako sa camera habang si Kendmar lang ang nakikita ang mukha na nakayakap sa'kin at may binubulong.




Lou: SANA ALL TALAGA




Paul: Aral ka muna maigi, Lou.




Rj: Rupokxzc




Liya: OMG HAHAHAHAHA ANG HAROOOOOTTT




AntoNyeta: NAKAKAKILIG!!




Junjun: Okay! Wala nang makakatibag sa tropa dahil may magjowa na!




Rj: Ano tawag mo sa'min?




Paul: OwwWw HAHA




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon