MARUPOK 3

260 17 1
                                    

Sorry-sorry siya diyan, nakakabwisit siya. Hindi ko na siya ni-replyan kagabi. Mataas na ang pride kung mataas! Basta ang mahalaga, ayoko siya kausap!




"Huy! Marou Mae, ano na! Narinig namin na nagchat daw sa'yo si Ken ah pero 'di mo nireplyan?" bulong sa'kin ni Nietta.




Kumunot lang ang noo ko sa tanong niya. Sinong Ken? 'yung crush ko o si kutong lupa?




"Si Gonzales!" bulong niya sa'kin, nabasa niya siguro kung ano ang iniisip ko kaya hindi ako nakasagot agad sa kaniya.




"Kung makapag isip ka diyan, eh hindi ka naman china-chat ng crush mo!"




Ouch. Oo nga 'no, hindi ko naisip 'yon.




Nasa loob kami ng canteen ngayon, nasa kaliwa ko sa Nietta, nasa kanan ko naman si Liya nasa tabi niya si Rj. Si Thea naman nasa tabi ni Nietta, si Zha naman ayun absent na naman. Si Lou nasa harapan ko, nasa kanan niya si Xands, sa kaliwa niya naman si Xands at sa tabi ni Junjun ay si Paul, sa tabi ni Paul si kutong lupa, Ken.




"Wala akong panahon para mag reply." sagot ko.




"Wag sanang mag tampo" biglang kumanta si Rj habang pabalik-balik ang tingin sa'kin at kay Ken. "Matitiis mo ba ako? Oh, baby!" birit niya.




"Mr. Rick James Medina, masama kumanta habang kumakain, table manner, please." sabi ko at inirapan ko siya.




"Marou marupok, oh, Marou marupok, yeah." si Paul naman ang kumanta! Tinatambol tambol pa ang lamesa! "Sing with me!"




Ayan, ayan! Wala na namang siyang magawa siya buhay niya. Wala talaga siyang ambag sa buhay ko kundi puro pang aasar!





"Marou marupok, oh, Marou marupok, yeah." kanta nilang lahat. Si Nietta nagtatatambol na rin.




Minsan talaga gusto ko na lang sila pag untugin ni Paul e.




Hinampas ko ang kamay ni Paul para tumigil siya.




"Tigilan niya nga ako." napatingin ako kay Ken, este kutong lupa na tahimik lang at walang pakielam sa nangyayare sa paligid niya.




Parang ang bigat bigat ng dinadala niya.




"'Wag mo titigan, kausapin mo." asar ni Junjun habang ine-enjoy ang pagkain niya ng mais con yelo.




Tinignan ko lang siya. Ibuhos ko kaya sa kaniya 'yan, makita niya.




"Tara na nga!" kinalabit ko si Nietta ng pagalit.




Nauna ako tumayo para bumalik na sa classroom, recess lang naman kaya mabilis lang ang oras.




Nalapingon ako kay kutong lupa na ganun pa rin ang itsura, parang pasan-pasan niya ang mundo.




Kinagabihan, nag online ako para gawin ang assignment namin sa science. Umupo ako sa dining table, doon ako palagi nagawa ng assignment. Ewan ko ba bakit hindi ako komportable sa kwarto. Ang tahimik talaga ng bahay namin since birth! Hays, second year high school na lang ako pero wala pa rin akong kapatid!




Habang kinokopya ko ang sagot na nakuha ko sa google, lumabas ang notification sa facebook ko na may nag message.




Paul: may assignment na kayo?




Liya: typing..

Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon