Sabado na kaya excited na ako na ipost sa instagram ang picture namin ni Kenneth! Halos apat na araw ako nag ipon ng lakas ng loob para rito.
Dali-dali akong kong binuksan ang instagram ko. Biglang may lumabas na notification.
Ken_rich requested to follow you.
Kumunot ang noo ko at pinindot ko na lang ang 'approve' naka private ang account ko, ayoko ng public, ayoko makita ng buong mundo ang kaharutan ko sa buhay.
Pinost ko na ang photo ko together with kenneth, inedit ko pa 'yon ng konti para maganda tignan at nilagyan ko ng caption na 'hi' tapos nilagyan ko pa ng location na 'sa tabi ni crush' maya-maya may lumabas agad na notif.
Ken_rich liked your post.
Ken_rich mentioned you in a comment.
Ken_rich: @itsmemarou hindi kayo bagay.
Napairap ako, hinayaan ko lang ang comment niya at nagbukas ng facebook. Hindi ko na seenin kagabi 'yung last message ni kutong lupa lero nabasa ko 'yon bago ako kilabutan. Rereplyan ko na siya ngayon, baka masabihan pa ako ng famous e. Kung ano ano pa naman lumalabas sa bibig non! Nag reply na lang ako ng 'ikr' bahala na siya.
Kendmar: Nauna ka pa mag post ng pic niyo nung panakip butas mo bago ka nagreply sakin.
Aba, demanding.
Marou: pake mo
Ang aga aga pinag iinit niya ulo ko.
Kendmar: typing..
Kendmar: sungit!
Marou: pagdating sayo!
Hindi ko na binuksan ang chat box namin kahit may minessage pa siya. Masyado siyang papansin!
Kinahapunan nagpasama lang sa'kin si mama mag grocecy and unfortunately nakasalubong namin si kutong lupa sa counter!
"Uy, mars!" sabi sa'kin ni kutong lupa at ngiting-ngiti.
Napatingin sa'kin si mama at kay kutong lupa.
"Hello po!" bati ni Ken kay mama.
"Hello" bati sa kaniya ni mama pabalik.
Hindi ko alam kung ipapakilala ko ba siya o sasabihin ko na stranger lang siya, ewan ko!
"Mama, siya nga pala si kut-- Ken. Ken, kaklase ko po." sabi ko kay mama. Kinakabahan pa ako.
"Bakit parang hindi ko naman siya nakikita dati?" nagtatakang tanong ni mama sa'kin.
"Transferee po ako" sabat ni kutong lupa, grabe kahit kay mama pabida siya.
"Ah, punta ka sa bahay namin minsan ha" malambing na sabi ni mama kay kutong lupa. Nanlalaki ang mga mata ko at gulat na napatingin kay mama.
"Sure, no problem po. Sige po, mauuna na po ako. Mars, bye" ngiti ngiti pa siya sa'kin at tinapat niya pa sa'kin ang kanang palad niya, nakikipag apir.
Umirap ako bago nakipag apir sa kaniya ng labag sa loob ko. Gosh! Nahawakan ko palad niya! Panigurado ako na iissuehan na naman niya ako!
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...