MARUPOK 28

137 9 0
                                    

"Kinakabahan ako sa scores ng exams ko." sabi ko kay Nietta.




"Okay lang 'yan, pare-pareho lang naman tayo hindi nag review."




"Gosh.." napahawak ako sa ulo ko.




Noong linggo habang nasa kwarto kami ni Xands, mag rereview nga dapat kami pero nauwi na lang sa tawanan. Wala rin.




"At least nga kayo ni Ken anim na subject ang na-review niyo e, kami apat lang. Tinamad pa." natatawa na sabi ni Liya.




"'Wag tayo pasok sa friday?" narinig ko na sabi ni Paul na nasa likuran namin. Kausap sina Rj.




"Hoy, ano kamo?" tinaasan ko siya ng kilay.




"Bibisitahin si Xands, ano ka ba." sagot sa'kin ni Paul.




"Tao" ngumisi ako.




"Oo nga, Marou! 'Wag tayo pasok, checking lang naman ang gagawin panigurado." sabi ni Nietta.




"Considered 'yon na cutting, tanga." sabi sa kaniya ni Zha.



"Eh kung ayaw niyo, kaming mga boys na lang ang bibisita kay Xands." sabi ni Junjun. "Babalitaan na lang namin kayo tapos kayo, ituro niyo sa'min 'yung mga ma-mi-missed namin na topic kung meron man." planado na ah.




"Ay, ano ba 'yan." parang galit pa si Nietta.




"Just join if you want, walang pipigil sa'yo." inosente na sabi ni Thea.




"Wag na nga!" pagsuko ni Nietta.




Uwian na kaya magkadikit na naman kami ni Ken.




"Kumusta pagsasagot mo sa exam?" tanong niya sa'kin habang nakaabay.




"Okay lang, nagamit ko 'yung mga tinuro mo sa'kin." I giggled. "Thank you."




Nakakatuwa lang na good influence siya. Hindi siya nakakasagabal sa pag aaral ko, nakakatulong pa siya.




"Good, wala bang premyo?" simumangot siya.




Hinarap ko siya kaya natanggal ang kamay niya sa balikat ko.




"Anong premyo? Wala tayong napag usapan na ganoon ah?" kunot noo na sabi ko.




Tinagilid niya ang ulo niya, nilagay niya ang hintuturo niya sa pisngi niya at tinuro-turo 'yon, ngumuso pa siya sa'kin.




"No.." mariin na sabi ko, gusto niya ng kiss sa pisngi.




"Hindi ako haharap, promise!" inalis niya sa pisngi niya ang kamay niya at tinaas niya 'yon, nanunumpa.




"Sus! Alam ko na 'yang mga galawan niyo!" natatawa na sabi ko.




Gusto ko sana kaso.. hindi pwede! Bata pa kami.




"Bebe..hindi talaga ako haharap, pro--"




"Hoy, kayong dalawa, kanina pa namin kayo hinihintay." nakapamewang na si Rj.




Tiningnan ko si Kendmar at sinisi ko siya.




"Tara na habang hindi pa gabi!" irita na sabi ni Paul. "Kapag ginabi na naman ng uwi 'tong mga babae natin, tayo na naman ang malalagot." napakamot siya sa ulo niya.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon