"Pero parang alam ko kung bakit siya nagkakaganyan e" napapatingin si Nietta sa kisame ng classroom namin na parang nag iisip talaga siya, tinigil niya na rin ang pususuklay sa buhok niya.
Hinatak ni Liya nang mahina ang buhok ni Nietta. "Ano ba 'yun? Bilisan mo na baka dumating na si ma'am"
"Parang ano, para siyang may regla?" walang kwenta na sabi niya.
Napabuntong-hininga si Thea at napaayos ng upo si Liya sa pagkadismaya habang ako naman ay napairap at binagsak ang likod ko sa sandalan. Akala naman namin may sense 'yung sasabihin niya!
Natapos ang araw nang hindi man lang ako pinapansin ni kutong lupa, hindi niya ako kinukulit. Nakakapanibago naman.
Ay! Mas mainam na pala! Wala nang bubuntot sa'kin.
"Nag away ba ulit kayo ni Gonzales?" tanong sa'kin ni Zha.
"Hindi" matipid na sagot ko.
Napalingon ako kasi naramdaman ko na may nakatingin sa'kin. Hindi naman ako nagkamali, ang sama ng tingin sa'kin ngayon ni kutong lupa. Agad niya iniwas ang tingin niya sa'kin nung magtama ang mga mata namin. Hinayaan ko na lang siya.
Nung sabado nag computer lang ako, naglaro ng counter strike. Linggo na nung mag online ulit ako. Hindi pa rin ako maka move on kay Kenneth kahit hindi naman naging kami.
Binuksan ko ang fb ko sa computer, napatingin ako sa 'what's on your mind?' parang inaakit ako nun na mag post ako. Ilang minuto ang lumipas nag post ako ng 'Sana ako na lang ang girlfriend mo' tamaan ka sana Kenneth.
Ilang segundo lang halos napatalon ako sa pagkakaupo ko nung lumabas ang chat box namin ni Kenneth! Siya ang unang nagchat! First time!
Kenneth: Sino 'yung nasa facebook status mo?
Marou: Ay! Wala lang hehe.
Marou: Bakit mo natanong?
Kenneth: typing..
Kenneth: Wala lang din.
Marou: okay! ^_^ kamusta ka na?
Hindi ko mapigilan ang sarili ko, pinatawad ko na agad siya kahit hindi pa siya nag sosorry hahaha!
Kenneth: typing..
Kenneth: okay lang hahaha
Kenneth: typing..
Kenneth: sorry nga pala nung last week kasi hindi na natuloy ang pag uwi natin ng sabay.
Omg! Eto na talaga ang hinihintay ko! Binilisan ko ang pag reply ko dahil ayaw ko siya paghintayin!
Marou: Ano ka ba okay lang yun! Naiintindihan naman kita ih ^.^
Kenneth: typing..
Kenneth: typing..
Kenneth: Bukas, promise tuloy na tayo. Wala na rin kami meeting bukas kasi napag usapan na lahat last week.
Marou: Sure na 'yan ah? :( wala ng bawian?
Ang pabebe ko.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Ficção AdolescenteMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...