MARUPOK 12

163 15 1
                                    

Magsisimula na ang overnight namin. Nag bihis agad kami ng pantulog, gusto namin mag pajama party. Kaming mga babae lang ang gumawa non, ayaw kasi ng mga lalake namin, mas gusto nila manood sa TV ng baril-barilan.




"Bakit kaya hindi sumama si Zha 'no?" sabi ko habang naka inidan sit sa kama ni Nietta.




"May lakad daw sila ng family niya" sagot ni Liya.




"Anong lakad?"




"Hindi niya sinabi e, ay mali. Ayaw niya pala sabihin, tinatanong ko kasi siya nun kung saan tapos umiwas lang siya" sabi ni Liya.




Humiga si Liya sa kama ni Nietta, sa tabi ko habang si Thea naman nakahiga sa paanan namin tapos si Nietta..




Nakaupo sa sahig, naglalaptop. Nagpapasalamat siya sa mga bumati sa kaniya online.




"Kumusta na kayo ni Rj?" tanong ko kay Liya.




"Okay lang"




"Okay pa?" sabat ni Thea na natatawa, kumunot ang noo ko.




"Nagkakaproblema ba kayo ni Rj?" tanong ko.




"Medyo, minsan, ewan" magulong sagot ni Liya. "Bakit mo ba tinatanong?!" bigla niya akong hinampas ng unan.




"Bakit ka nanghahampas?!" hinampas ko siya pabalik hanggang sa naghampasan kami ng unan, nakisali pa si Thea, tinulungan pa ang bestfriend niya.




"Nietta!" pag hingi ko ng tulong.




Lumingon lang sa'kin si Nietta at binalik ulit ang tingin sa laptop. "Kaya mo 'yan, Marou" sabi niya.




Nagsisigawan na kami sa loob ng kwarto ni Nietta habang pinagtutulungan ako ni Thea at Liya. Napatigil kami sa paghaharutan nung kumalabog ang pinto.




"Ano 'yon?!" sigaw ni Lou na nag aalalang nakatingin sa'min, nasa likod niya naman sina Junjun na nakikichismis kung anong nangyayare sa'min.




Nakadagan na sa'kin si Thea at Liya, ang sakit ng katawan ko.




"Naglalaro lang sila, Lou" mahinahon na sabi ni Nietta habang nakatingin pa rin sa laptop.




"Akala namin kung ano na nangyayare sainyo e" napahawak sa noo si Lou, nastress ata sa sigaw namin kanina.




Nagkatinginan kaming tatlo nina Thea, pare-pareho ang naiisip. Sabay-sabay kami tumayo sa pagkakahiga sa kama ni Nietta bitbit pa rin ang mga unan na pinanghahampas. Ngumiti kami sa isa't-isa hanggang sa tumakbo kami papunta kina Lou, para naman silang naistatwa.




"Aray!"




"Ah!"




"Tumigi—Aray!"




Tuwang tuwa kami nina Thea na ang mga lalake naman ang pinaghahampas namin hanggang sa lahat kami ay napunta sa sala sa kahahampas. Nagtatakbuhan kasi ang mga bakla.




"Tumigil kayo, isa" banta ni Junjun, wala naming epekto sa'min 'yon kaya patuloy lang kami sa paghampas sa kanila.




Nagulat ako nung hinampas ako ni kutong lupa, may hawak na rin siya na unan, unan na maliit na galing sa sofa. Hinampas ko siya pabalik, mas malaki naman ang unan ko.




"Akala mo ah!" gigil na sabi ko sa kaniya habang nag eenjoy ako na hampasin siya. Hindi naman siya makaganti ng maayos kasi ang laki ng unan na gamit ko.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon