PROLOGUE

1.2K 44 10
                                    

Gumising ako ng maaga dahil 6:00 AM ang start ng klase namin. Hay, pambihira. Mas gusto ko pa na pang hapon ang schedule ng klase e.




Agad akong bumangon para magluto at i-check si Malou kung gising na ba. Mahimbing pa rin ang tulog niya.




"Papasok ka na sa school?" sabi ni daddy, bagong gising lang.




"Opo"




"Galingan mo, 'nak" dumiretsyo siya sa kusina habang ako na nandito sa sala, sa harap ng salamin habang inaayos ang buhok ko.




"Miss ko na si mommy, daddy." malungkot na sabi ko.




Parang last year lang si mama pa ang nag aasikaso sa'kin kapag first day of school ko, pero ngayon sarili ko na lang ang nag aasikaso sa'kin.




"Ako rin, 'nak. Kain ka muna, kumain ka na ba?" umiling lang ako at simahan ko siya sa dining table.




May pritong itlog, hotdog at tinapay na nakahain sa lamesa.




Habang kumakain ako, bigla na lang ako nawalan ng gana nang may naalala ako.




Matapos ang mahabang bakasyon, makikita ko na ulit sila.




Makikita ko na ulit ang mga dumurog ng puso ko.




Makikita ko na ulit ang mga nanloko sa'kin.




Makikita ko na ulit ang ex-boyfriend ko at ang ex-bestfriend ko.




Hindi pa ako handa na makita ulit sila. Masyado pa ring masakit ang ginawa nila sa'kin.




Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap at paulit-ulit na pumapasok sa isip ko kung saan ba ako nagkulang? May nagawa ba akong mali? Hindi ba ako naging mabuting partner at kaibigan sa kanila kaya silang dalawa na lang ang nagsama?




"Okay ka lang?" tanong sa'kin ni daddy, napansin ko na hindi ko na pala ginagalaw ang pagkain ko.




"O-opo"




"Nak, kung kailangan mo ng advise ko, nandito lang ako, ha? Okay lang 'yan! Marami pang lalake diyan at marami ka pang magiging kaibigan, lalo na kapag nag college ka na. Baka nga magkaroon pa ng pila ng mga manliligaw mo rito sa bahay e hahahaha, sa ganda mong 'yan. Manang-mana ka sa mommy mo." ang haba ng sinabi ni daddy pero natawa ako sa sinabi niya. Grabe naman 'yung magkakaroon ng pila ng mga manliligaw.




Nang matapos ako mag almusal, tumayo na ako at nagpaalam sa kaniya.




"Bye, daddy!" humalik ako sa pisngi niya.




Parang dati lang hinahatid niya pa ako pero ngayon kailangan ko na tumayo mag isa. Hindi pwede maiwan si Malou sa bahay e.




Sinuot ko ang earphones ko habang naglalakad papuntang school, tamang patugtog lang.




Nang makarating ako sa school, nadatnan ko sina Rj na nakatayo sa tapat ng classroom.




"Uy! Marou! Long time no see! Musta puso na'tin diyan?" tanong sa'kin ni Paul.




"Okay lang"




"Nandoon na sila sa loob" umiiling na sabi ni Rj.




Napasilip ako sa loob ng room, nandoon na nga ang mga manloloko. Magkatabi pa. Nakita ko rin na nakaupo na roon sina Thea.




"Si Xands? Bakit hindi niyo kasama?" tanong ko kay Rj.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon