MARUPOK 29

138 11 2
                                    

"Grabe naman 'tong fourth grading na 'to! Wala pa tayo sa kalagitnaan, naghahasik na agad ng lagim!" nasstress na sabi ko.




"Come on.. we can do this! Stand up!" hinihila na ni Thea ang kamay ko patayo sa sofa.




"Kailangan natin mag pahinga, Thea. Hindi tayo robot." binagsak ni Nietta ang katawan niya sa sofa.




"Hoy! Pinatayo nga ako diyan ni Thea tapos hihiga ka." hinampas ko ng unan si Nietta.




"I need enough sleep." sagot niya habang nakapikit.




"What?! Enough sleep?! Eh halos 4 hours ka natulog kagabi habang kami walang tulog! Tumayo ka diyan!" si Nietta naman ang hinatak ngayon ni Thea.




"This is my house!" sabi ni Nietta.




Iniwan ko na sila na nagtatalo roon. Pinuntahan ko sina Ken sa garage na umiinom ng kape.




"Good morning" bati ko kay Ken.




"Good morning, crush." sabi niya habang may hawak na kape, ang messy ng buhok niya. Naka white t-shirt at pajama na color grey.




"Napakasama ni Marou, parang dati lang isa-isa niya tayo binabati pero ngayon si Ken na lang. Tsk!" parang galit pa si Junjun, inirapan pa ako!




"Huwag ka mag selos, pre! Ganiyan talaga pre kapag nagkakajowa, nakakalimutan na ang tropa." natatawa na sabi ni Paul.




Hinampas ko ang legs ni Paul.




"Nakalimutan ko ba kayo, ha?! hindi pa kasi ako tapos bumati!" sigaw ko sa kanila.




Tinawanan lang nila ako. Tsk!




Kinabukasan, natapos na namin 'yung early project namin sa science na pinagpuyatan namin. Five to seven person each group, kaming mga babae ang nagsama-sama at ang mga boys na rin namin ang nagsama. Sa bahay nila Nietta palagi ang overnight, bahay nila ang palaging available.




"Try kaya natin maghiwa-hiwalay tuwing may groupings? Nagsasawa na ako sa mga mukha niyo e." reklamo ni Nietta.




"Edi ikaw 'yung 'wag na grumupo sa'min kung nagsasawa ka na." sagot ni Zha kay Nietta.




"OwwWw" mapang asar na sigaw nina Paul.




"Joke lang e! Sakit mo magsalita." umirap si Nietta. "It hurts you know!"




"See, mga babae ang mabilis magsawa." bulong sa'kin ni Kendmar.




Sinamaan ko siya ng tingin.




"Hindi mo ba narinig na joke lang daw 'yon?" pinandilatan ko siya.




"Joke ba 'yun? Hindi naman ako natawa e." ngumisi siya sa'kin.




"Aha! Sa'yo nga talaga nakuha ni Kesha ang ganiyang ugali!" natatawa na sabi ko.




"Ha? Bakit?" walang siyang kamuang-muang.




"Sinabi niya rin sa'kin 'yan, exact line." mariin na sabi ko. "Magkapatid nga talaga kayo."




"Maganda ba si Kesha?" biglang tanong niya.




"Oo" sagot ko.




"Alam mo ba kung bakit?"




"Oh bakit na naman?"




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon