MARUPOK 34

118 10 1
                                    

Gulat na gulat si Nietta sa sinabi ko, hindi ko na maipinta ang itsura niya.




"Marou--"




"Kailangan ko na umuwi. Hindi naman ako baldado para dalawa pa kayong maghatid sa'kin." tinalikuran ko na sila.




Hindi ko na kaya makipag usap pa, sobrang sakit para sa'kin na may nasasabi akong hindi maganda kay Nietta. Kaibigan ko siya e pero totoo 'yung kahit kaibigan mo masasaktan mo.




Parang gusto ko na lang ulit umiyak, naghahalo-halo na emosyon ko.




"Marou! ano bang problema?" hinila ako ni Kendmar, nakakunot ang noo.




"Tanga ka ba?!" nagulat siya sa sinabi ko.




Napahawak ako sa noo ko. "Kendmar naman e, bakit kasi-" tumulo na luha ko. "Bakit kasi sa dinamiraming babae na pwede ko pagselosan, si Nietta pa." ayaw tumigil ng luha ko.




"Marou, 'diba sabi ko sa'yo huwag mo siya pagselosan. Friends lang kami."




Friends?! Wtf?! Hindi na ako makapagsalita, ang sama na ng pakiramdam ko, ang bigat na ng ulo ko tapos ganiyan pa sasabihin niya?




Hinawakan niya ang mukha ko para punasan ang luha ko. "Next time na lang tayo mag usap, magpahinga ka muna. Ihahatid na kita."




"No" inis kong inalis ang kamay niya sa mukha ko. "Mag ttricycle na lang ako."




Hindi niya na ako sinundan pa hanggang sa sumakay na ako sa tricycle, wala akong ibang ginawa kundi umiyak. Hindi ko matukoy kung saan ba ako naiiyak, sa sakit ba ng ulo ko o sa sakit ng puso ko?




"Ma" nanghihina na sabi ko.




Ramdam kong namamaga ang mata ko at parang kaunti na lang ay tutumba na ako.




"Nak! Anong nangyare sa'yo?!" automatic na tumayo si mama sa pagkakaupo niya sa sofa.




Pinigilan pa siya ni ate Lita sa biglaan niyang pagtayo.




"Bakit ha? Sinong nagpaiyak sa'yo?" nag aalala na sabi niya atsaka niya hinawakan ang mukha ko. "Nilalagnat ka ba?" nanlaki mga mata niya.




Tumango-tango lang ako.




"Ang sakit kasi ma.." umiyak ulit ako. "Ang sakit ng ulo ko."




Dahan-dahan niya akong hinila papunta sa kwarto ko, tinulungan niya ako hubarin ang uniform ko.




"Sigurado ka ba na ulo mo ang masakit?" inalalayan niya ako humiga sa kama. "Hindi ka naman umiiyak ng ganiyan noon kapag nagkakasakit ka." kinumutan niya ako.




Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ko, kahit gusto ko na pigilan may lumalabas pa rin.




"Magpahinga ka muna." dinampot ni mama 'yung uniform ko at lumabas na sa kwarto ko.




Hindi ko alam kung paano ako makakapag pahinga ng maayos sa bigat ng dibdib ko, gusto kong magalit kanina kina Kendmar pero hindi ko magawa. Pag kainis lang ang nailabas ko kanina.




Ang dami kong gustong sabihin pero huwag na lang muna.




Tatlong araw ako nakatengga sa kwarto ko, hindi pa rin ako nag oonline. Nung monday pa ang huli kong online, wala na akong balita sa school at kay Kendmar.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon