MARUPOK 17

161 13 2
                                    

"First place!!" sigaw ni Nietta pagkapasok niya sa classroom namin.




Nagtaka kaming lahat sa sinabi niya. Anong first place?




"Guys, first place tayo sa parol making contest!"




"Ahh!!!" sigaw naming lahat.




Nagtatalon pa kami sa sobrang tuwa. Grabe rin ang pagod na inabot namin doon, nag overnight pa nga ang ilan sa amin para maganda talaga ang kalabasan.




"Hindi man tayo nag champion atleast nakuha natin ang first place!" sabi ni Prince, isa sa mga bakla sa section namin.




Prince sa umaga, Princess sa gabi. Pati boses niya kina-career ang pagiging binabae.




Napag usapan ng section namin na i-celebrate namin ang pagkamit sa first place pero isasabay na lang daw 'yon sa christmas party, which is bukas na.




"Nakabili ka na ba ng pang regalo mo?" tumabi sa'kin si Kendmar, panay daldal naman si Nietta sa harapan ng blackboard.




"Hindi pa nga e." dismayadong sagot ko.




Paano ba naman, ang nakalagay kasi 'kahit ano na lang' ano bibilhin ko? Mug? tapos kapag ganoon ang natanggap magrereklamo.




"Last week ko pa pinag iisipan kung ano bibilhin ko." sabi ko.




"Babae nabunot mo 'diba? Edi, ipit bilhin mo." kunot noo na sabi niya.




"Baka hindi niya magustuhan"




"Bakit? Siya naman ang nagsabi ng kahit ano na lang e. Hindi niya lang magugustuhan 'yung ibibigay mo kung nagbigay talaga siya ng specific item tapos iba ang bibilhin mo." paliwanag niya.




Tumango na lang ako.




"Ikaw, nakabili ka na ba?"




"Hindi pa rin."




"Bakit?"




"Nag ipon pa ako" sabi niya habang nakatingin sa black board.




Wow, pinag ipunan niya pa talaga ha. Bakit hindi na lang siya humingi sa parents niya.




"Mamaya na ako bibili, ang sabi naman ni ma'am maaga ang uwian natin ngayon." sabi ko habang nililigpit ang ballpen ko. Sinusundan lang ng tingin ni Kendmar ang mga kilos ko.




"Oh? Kailan sinabi?"




"Kanina"




"Asan ako nun? Ba't hindi ko alam?"




"Hindi naman kita kasama kanina nung bumili kami nina Thea ng graphing papers." sabi ko. "Doon namin nakasalubong si ma'am kanina." umayos ako ng sandal sa upuan ko pagkatapos ko iligpit ang mga gamit ko.




"Talaga?" biglang sumaya ang tono ng boses niya. Napatingin pa siya sa sahig habang nakangiti at parang may iniisip. "Sabay na lang tayo bumili mamaya." tuwang tuwa na sabi niya.




"Love birds, tingin dito." napalingon kami ni Kendmar kay Junjun na nasa likod namin.




Nagulat ako sa camera na nakatapat sa'min, hawak 'yon ni Paul. Tumawa sila.




"Huy!" aagawin ko sana 'yungcellphone na hawak niya. Paano kung ang epic ng itsura ko roon?! "Delete niyo 'yan!"




"Tignan mo 'to, pre!" tawang tawa na sabi ni Paul habang nakaturo ang kamay niya sa cellphone na hawak niya.




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon