"She's fine." nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ng Doctor ni mama.
Nasa hospital na kami ni ate Lita, si daddy on the way na.
Iniwan na kami ni Doc at lumabas. Sabi nung doctor normal lang daw na sumakit ang tyan ni mommy habang papalapit na ang panganganak niya.
"Marou, okay lang ba si mommy?" natataranta na sabi ni daddy, hindi na niya na naisara ang pintuan sa kamamadali. Naka uniform pa rin siya na pang-police.
Si ate Lita na lang ang nagsara non at lumapit ako kay daddy, si mommy naman tulog.
"Okay lang daw siya daddy." niyakap ko siya para pakalmahin.
Hinimas ni daddy ang ulo ko at ngumiti sa'kin, bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin. Lumapit siya kay mama at hinalikan ang noo nito. Naalala ko tuloy si Kendmar na hinalikan din ako sa noo last time!
"Okay ka lang, nak?" kunot noo na tanong ni daddy. "Bakit ka namumula?"
"P-po?!" agad akong napahawak sa pisngi ko. Bwiset ka Kendmar, kasalanan mo 'to.
"Inom ka tubig." inabot sa'kin ni ate Lita ang isang bote ng tubig, pakiramdam ko tuloy may sakit ako sa trato nila!
Gabi na nang makauwi kami sa bahay, napagdesisyunan na rin ni daddy na hindi muna siya papasok hanggang sa January 1. Mas mahalaga raw si mama kaysa sa trabaho niya, hindi naman sya masyadong naabsent sa kanila kaya pinayagan na rin siya nung head nila na umabsent siya ng straight three days.
Pumasok ako sa kwarto nila mama para kunin 'yung mga gamit na kailangan niya sa hospital. Bukas ng gabi pa si mama pwede lumabas sabi nung doctor niya, iche-check pa raw si mommy ng mabuti bago payagan umuwi.
"Lita, 'diba sabi ko sa'yo huwag mo hahayaan misis ko na tulungan ka sa gawaing bahay." pinapagalitan yata ni daddy si ate Lita sa sala, rinig ko mga boses nila hanggang dito sa kwarto.
"Sorry po, sir. Nagpupumulit po kasi minsan misis niyo na tumulong sa'kin, wala raw po kasi siya magawa." hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ni ate Lita e.
Lumabas na ako ng kwarto, nakita ko si daddy na nakapamewang na, napahaplos pa siya nang matagal sa mukha niya sa stress. Nginitian ko si ate Lita at sinenyasan siya na 'okay lang 'yan' halata kasi sa kaniya na natatakot na siya kay daddy.
"Daddy, oh." inabot ko sa kaniya 'yung towel niya.
Napabuntong hininga muna siya bago kinuha 'yon at dumirestyo sa banyo.
Pumasok na ako sa kwarto ko para mag online, buong araw ako halos hindi naka online dahil busy kaming lahat kakabantay kay mama kanina sa hospital. Nandoon naman sina tita kaya umuwi muna kami nina daddy saglit para nga kunin mga gamit at makapagpalit si daddy ng damit niya.
Chinat ko kaagad si Kendmar, nakita ko na may iniwan siyang message.
Kendmar: Sent a photo.
Selfie niya ang sinend niya, naka-peace sign siya doon, nakapikit at pa-cute na nakangiti. Naka jacket pa siya na color red, suot ang hoody.
Kendmar: We're still in Baguio. Ang lamig dito, need ko ng yakap mo.
Marou: Bakit need mo ng hug?
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...