"Daddy!" inis na sabi ko.
Natawa naman si mama at Ken sa sinabi ni daddy, ako lang yata ang nainis.
"Oo o hindi lang ang sagot." natatawang sabi ni daddy.
"Hindi pa po." nilagay ko sa legs ko ang kamay ko.
"Hindi pa?" taas kilay na tanong ni mama.
"I-i mean, hindi pa po ito ang tamang oras para sa ganoong galawan." natataranta na sabi ko.
"Oh, good." seryoso na sabi ni mama habang tumatango-tango.
Biglang binagsak ni daddy ang utensils na hawak niya. Pinatong niya ang dalawang siko sa lamesa at pinag intertwined ang kamay.
"No touch." seryoso na sabi niya. "No date at night." lumingon siya kay Ken. "No kiss." naging matalim ang tingin niya kay Ken.
Napalingon ako kay Ken na hindi makagalaw sa kinauupuan niya, parang hindi na siya makahinga.
"Know your limits." sa'kin naman napunta ang tingin ni daddy. "And most important, study first." inalis niya ang siko niya sa lamesa at sumandal sa sandalan ng upuan niya.
"Yes, sir." sabi ni Kendmar, para siyang militar sumagot, medyo nagpigil pa ako ng ngiti sa boses niya.
Matapos namin kumain ng meryenda, pinaupo kami ni mama sa sala. Nandoon lang sila ni daddy sa kusina para natatanaw pa rin daw nila kami.
Nakaupo lang ako sa tabi ni Ken, hindi ko alam kung ano sasabihin ko.
"Bakit hindi ka nag online?" sabi ko para may mapag usapan kami.
"Gusto lang kita surpresahin." nakangiting sabi niya.
"Tsk, akala ko hindi ka na pupunta e." napairap ako.
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Nag sabi naman ako kagabi." kunot noo na sabi niya. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Marunong ako tumupad sa usapan." bulong niya.
Nag init ang mukha ko kaya tinulak ko siya nang mahina palayo sa'kin, ginalaw ko rin ang katawan ko palayo sa kaniya. Napalingon ako sa kaniya, tumatawa sa naging reaksyon ko.
Hahampasin ko sana siya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko na ipanghahampas ko sana sa kaniya.
"Behave, Marou. Behave." natatawa na sabi niya habang hawak ang kamay ko.
"Stop!" bulong na sigaw ko sa kaniya dahil baka makita kami nina mama! Binawi ko kaagad ang kamay ko. "No touch!" nakangisi na sabi ko sa kaniya.
Tumingin pa ako kay daddy kaya natahimik si Kendmar, natakot hahaha!
"Kailan manganganak si mommy?" tanong niya.
Napataas ang kilay ko.
"March, sa March pa manganganak ako mommy KO." pinagdiinan ko pa sa kaniya 'yung word na 'ko'.
"Nak, kung gusto niyo lakad-lakad muna kayo diyan sa labas. Hindi naman na mainit." sabi ni mama habang hawak ang tiyan niya.
"Sige po." masayang sabi ko, niyaya ko si Kendmar sa labas, hindi rin naman siya tumanggi.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...