MARUPOK 13

179 17 0
                                    

"Twenty-four days na lang, pasko na!" narinig ko na masayang sabi ni Mel Tiangco na nagbabalita sa TV ngayon.




Ang bilis ng panahon, magpapasko na naman.




Natulog kaagad ako pagkatapos ko manood ng TV. Binangungot pa ako, napanaginipan ko kasi si kutong lupa na kasabay ko ulit maglakad pauwi! Kaloka!




Kinabukasan medyo late ako pumasok. Hindi ko alam kung bakit ang tagal ko naglakad! Masyado ko kasi inisip 'yung napanaginipan ko! Napakadetalye naman kase!




"Hoy, Marou" sabi ni Nietta.




"Ano?" binaba ko ang pink na bag ko sa upuan ko.




"Hinahanap ka ni Ken" kinabahan agad ako. Naglalagay siya ngayon ng hair clip sa buhok niya.




"Bakit na naman?" iritang sabi ko.




Hindi pa ako nakakaupo sa upuan ko, hinahanap niya na kaagad ako.




"Baka mag sosorry na sa'yo" tumawa siya.




"Tsk!" iniwan ko siya sa loob ng classroom, nakita ko na nasa hallway lang si kutong lupa, nakatayo.




"Hanap mo raw ako?" direstyong sabi ko kay Kendmar nung nasa harapan niya na ako.




Nasa kaliwa niya si Rj, sa kanan si Lou, sina Junjun, Paul at Xands naman hindi mo malaman kung saan ba talaga nakapwesto, ang lilikot!




"Hindi ah" tanggi niya.




"Hinahanap-hanap kita" kanta ni Paul na nasa likuran ko na pala. Sinamaan ko siya ng tingin.




"Sabi ni Nietta hinahanap mo raw ako!" napakrus ang braso ko sa harap ng dibdib ko.




"Joke lang, Marou, naniwala ka kaagad" biglang sulpot ni Nietta sa harapan namin, tumatawa.




"Hilahin ko 'yang hair clip mo e" mahinang sabi ko at inirapan ko siya.




Umalis ako sa hallway, pumasok sa loob ng classroom. Kumunot ang noo ko nung sinundan ako ni kutong lupa.




"Akala ko ba ayaw mo na ako kausap?" sabi niya habang nakabuntot sa'kin. "Sabi mo 'yon nung nakaraang araw 'diba?" ngiting ngiti siya.




Para kaming aso at pusa nung nakaraang araw, nagkasagutan kami. Paano ba naman, pinagkakalat niya sa lahat na crush niya ako! Nararamdaman ko tuloy na umiiwas sa'kin si Marie.




"Huwag mo 'ko kausapin" pag susungit ko.




"Ha? Ikaw nga 'tong unang kumausap sa'kin e." labas-pasok ako sa loob ng classroom para mapagod siya sa kasusunod sa'kin.




"Naghihintay kasi ako ng sorry mo" matalim na sabi ko.




Sinuklay niya ang buhok niya pataas gamit ang mga daliri niya.




"Sige, sorry kahit ikaw ang may kasalanan" umirap siya.




"Ganiyan ba ang pag sosorry? Labag sa loob?" siya naman talaga ang may kasalanan e! Kung hindi niya lang pinagkalat na may gusto siya sa'kin, edi sana kinakausap pa ako ni Marie ngayon!




"Dapat nga mag sorry ka rin e" nagtatampo ang boses niya. Nakatayo lang siya harapan ko.




"Hindi dapat ako mag sorry, wala naman akong ginawa eh. Ikaw 'tong bigla-bigla na lang nagkalat ng fake news!"




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon