"Nietta, nakakaloka talaga! Grabe 'yung kaba ko kagabi!"
"Ayaw mo nun? Legal na kayo?" natatawang sagot sa'kin ni Nietta.
"Congrats sainyo" sabi ni Liya habang nakatingin sa kuko niya. Ang ganda niya tignan ngayon sa yellow dress na suot niya.
"Merry christmas!!!" maligalig na sabi ni Junjun, sabay-sabay sila pumasok nina Xands, Lou, Paul, Rj at Kendmar. Lahat sila may bitbit na pang regalo.
Napataas ang kilay ko nang makita ko na pareho kaming naka green ni Kendmar. May collar nga lang 'yung kaniya.
"Uy, gagi! Nakalimutan ko 'yung papel!" nasstress na sabi ni Paul. Kinapa-kapa niya ang bulsa niya.
"Anong papel?" tanong ni Zha.
"'Yung nabunot ko. Dibale na, naaalala ko naman 'yung code name e" sabi niya at umupo siya sa tabi ko.
Yumuko si Paul para ayusin ang tali ng rubber shoes niya, napaangat ang ulo niya ng tumapat sa harap niya si Kendmar.
"Pwede ako diyan?" makapal na mukha na sabi ni Kendmar habang hawak-hawak ang pang regalo niya.
Tumawa nang malakas si Paul.
"Sorry, pre!" natatawa niyang sagot, tumayo siya at tinapik ang balikat ni Kendmar habang tumatawa pa rin.
"Gaya-gaya ka ng outfit ah." sabi niya sa'kin habang paupo pa lang sa upuan.
Hindi ko pinansin 'yung sinabi niya, mas napansin ko pa 'yung malaking bag na bitbit niya.
"Wala tayong klase ngayon." tinawanan ko siya. Christmas party may bitbit na malaking bag.
Hinubad niya ang bag niya at nilagay sa tabi niya, sumandal siya sa upuan para mapantayan ako.
"Lalayas na ako sa amin e"
"What?!"
"Oo, makikitira muna ako sainyo, kung pwede?"
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ako makasagot.
"Seryos-- bakit ka lalayas?!" hinamapas ko ang braso niya.
Tumawa siya. "Biro lang, hindi ko naman gagawin 'yon." nakahinga ako ng maluwag.
"Pinayagan ako!" napalingon kami sa sigaw ni Thea.
"Talaga?" masayang sabi ni Liya.
"Oo, pero hanggang 6 PM lang ako pwede ih." napahaplos siya sa leeg niya.
Napakamot naman sa ulo si Paul sa pagkadismaya. "Ang plano hanggang 9 tayo e."
"Keri 'yan!" sigaw ni Nietta kay Paul.
"Ikaw ba bebe, pinayagan ka?" nanlaki ang mata ko sa bulong sa'kin ni Kendmar.
"Anong bebe?!" bulong na sigaw ko sa kaniya, nakakahiya kapag may nakarinig baka sabihin ang landi landi namin.
Tropa lang naman namin ang nakapalibot sa'min pero iba pa rin ang takbo ng utak nila 'no.
"Ayaw mo ba, bebe?" ngumiti siya nang nakakainis!
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...