Kinabukasan, gumising ako ng maaga. Hindi ko alam kung mag rereview pa ba ako o pupunta sa hospital.
Para mas madali, napag desisyonan ko na bitbitin ang reviewers ko sa hospital.
Katulad ng sinabi ko kahapon, pinuntahan namin si Nietta. Hindi na talaga kasi siya nagparamdam kagabi. Badtrip na badtrip din si Kendmar kagabi habang umuuwi kami, hindi na kami sumabay kina Lou dahil mag kakaaway sila.
"Sorry, guys." nahihiyang sabi ni Nietta. "Ang selfish ko." malungkot na sabi niya, medyo naiiyak pa siya.
"It's okay, don't do it again." matalim na sabi ni Thea.
"Huy, eto naman." bulong sa kaniya ni Liya.
Hindi ako nagsasalita dahil hindi naman ako galit kay Nietta. Wala naman siyang ginawa na masama e, nagkamali lang siya sa sinabi niya pero hindi naman 'yon sapat para magalit din ako.
Nagkatinginan kaming apat at bigla na lang kami nagtawanan. Ewan ko ba, ganito kami pag may nag aaway, bigla na lang magtititigan tapos tatawa hanggang sa okay na. Nagkayakapan pa kami para sure na wala ng hinanakit sa isa't-isa.
"Bakit si Zha?" demand na sabi ni Nietta.
"Hindi siya ma-contact. Okay na rason na 'yon para initindihin siya." sabi ko.
Pumunta na agad kami sa hospital para hindi na masayang ang oras, doon na lang daw kami magkikita-kita ng mga boys, si Rj ang sumama ngayon kay Kendmar papunta roon. Kahit wala kaming kasiguraduhan kung papayagan kami ng Kuya ni Xands, tumuloy pa rin kami.
Sakto naman na 'yung sinakyan namin na Jeep nina Nietta ay ayun din ang nasakyan ni Rj at Kendmar. Magkakasama na tuloy kami sa iisang jeep.
"Hi" bati sa'kin ni Kendmar. Mukhang good mood siya ah.
"Okay ka na?"
"Hmm, oo." tumango-tango siya.
"Nag sorry na ba sa'yo si Paul?"
"Nope." pinatong niya ang siko niya sa binti niya.
"Nag sorry? Bakit, nag away ba sila ni Paul?" sabat ni Nietta.
Narinig 'yon ni Liya kaya napalingon siya agad sa'min.
"Ay nako, Nietta! Kung kasama ka lang kagabi edi sana nasteess ka rin sa away ng mga boys natin sa tapat ng hospital kahapon!" emosyonal na sabi ni Liya.
"Ha? Bakit? Ano nangyare? Wala kayong kwinento sa'kin kanina!" parang galit pa siya.
"Nag sigawan lang naman sila." umiiling-iling na sabi ni Thea.
"Si Paul kasi e, immature." sabi ni Rj.
Kinapit ko ang kamay ko sa kanang braso ni Kendmar, ang tahimik niya kasi. Oo, no touch, pero walang sinabi na bawal ang hawak sa braso hihi.
Nagulat naman ako na pinatong ni Ken ang kaliwang kamay niya sa kamay ko na nakakapit sa kaniya. Ngumiti lang siya sa'kin, hindi na ako umangal, kailangan niya ng mahahawakan ngayon lalo na't inaaway siya ni Paul.
Kwinento nila Liya kay Nietta lahat ng nangyare kahapon habang bumabyahe kami. 'Yung reaksyon niya naman gulat na gulat siya.
"Jusko naman! Bakit naman sinisisi si Ken! Bobo talaga 'yon!" inis na sabi ni Nietta.
BINABASA MO ANG
Marou Marupok (Highschool Series #1)
Teen FictionMarou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her to accomplish her goal? Or it will turn out into something unexpected. Marupok (n.) - ang taong mabilis ma-fall sa taong pa-fall. [This...